paki sagott po plsss
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
"Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto"
Ang mensahe ng ningning at liwanag ay hindi nahihiwalay sa mga pangyayari na nararanasan ng tao sa kasalukuyan maging noong unang panahon, sapagkat hindi naman mapagkakaila ng tao na may pagkakataong nasisilaw ang tao sa ningning na hatid ng kasamaan na humahantong sa kanyang pagkasira.Mainam pa rin na sa kabila ng ningning na pilit bumubulag sa tao ay dapat hanapin niya ang liwanag na gagabay sa kanya upang hindi malihis sa daang tuwid at hindi magdadala sa kanya ng kabiguan pagdating ng araw.Hindi sa lahat ng oras ang ningning ang magdadala sa atin sa taas o aangat sa atin sa taas bagkus minsan ito din ang nagdadala o humihila sa tao pababa na kung saan ito pa ang nagiging dahilan ng kanyang kasawian. Kaya huwag magpasilaw sa ningning na pilit na bumabalot sa sarili na animo ay may magandang maidudulot sa iyo bagkus ay mas mainam pa rin na hanapin ang liwanag na siyang gagabay at magdadala at aangat sa iyo baling araw.
Sa kabila ng hirap at pasakit na hatid ng buhay sa tao, huwag mawalan ng pag-asa sapagkat ang mga hirap na ito at pasakit ay pagsubok lamang upang sa kabila ng mga pinagdadaanan sa buhay ay matututunan ng tao na hanapin ang liwanag na gagabay sa kanya at magdadala sa kanya sa
tamang landas ng buhay. Kaya huwag mawalan ng pag-asa sa buhay, sapagkat sa kabila ng lahat ng mga masamang nararanasan ng tao ay ayroon pa ring liwanag na gagabay. At sa bawat problemang kinakaharap ng tao ay mayroong solusyon na naghihintay.