Panalangin para sa Pandaigdigang Kapayapaan
seryoso po ito advance thank you po sa makaka answer nito
To God Be The Glory
Share
Panalangin para sa Pandaigdigang Kapayapaan
seryoso po ito advance thank you po sa makaka answer nito
To God Be The Glory
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Hope it's help❤️
Explanation:
Panginoong Hesus, iniaalay namin ang aming sarili sa Inyo. Nagkakatipun-tipon kami ngayon upang manalangin para sa kapayapaan sa aming sarili, sa aming bansa at sa buong mundo.
Ang pandaigdigang kapayapaan ay nanganganib. Kaya itinataas naming muli ang aming puso upang sa Inyo ay magsumamo, “Prinsipe ng Kapayapaan, Kayo po sa amin ay dumatal.”
Naniniwala kami sa Inyong kapangyarihang magpagaling at magligtas. Ipadala Ninyo sa amin ang Inyong Ispiritu at nawa ay gabayan nito ang isip at puso ng aming mga pinuno sa mundo upang mangibabaw ang kaparaanan ng kapayapaan at katarungan.
Makapangyarihang Ama, ang Lumalang sa mundo, dinggin Ninyo ang aming panalangin at pagkalooban Ninyo kami ng kapayapaan upang kami ay malugod sa Inyong kabutihan at purihin Kayo hanggang sa katapusan.
Hinihiling namin ito sa pangalan ng Inyong anak na si Hesus, kaisa ng Espiritu Santo, magpasawalang-hanggan. Amen.
Panalangin para sa Kapayapaan