Panapos na Pagtataya:
A. Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon. Isulat ang sariling ideya o opinyon tungkol dito.
1. May kasabihan tayo na "Kung ano ang laman ng dibdib ay siyang bukambibig.
Naniniwala ka ba na kapag ang isang tao ay may inggit o may balak na manlamang sa
kapwa, ito ay lalabas sa kanyang sinasabi? Sang-ayon ka ba? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Isulat ang isang karanasan na nagpapatunay nito.
2. Upang makapagpahayag ng malinaw at mabuting opinion o ideya, kailangan ang malinis
na puso at isipan. Sang-ayon ka ba? Bakit?
3. May kasabihang “Ang dila ay di nga patalim, ngunit kung sumugat ay malalim." Ano ang
ibig sabihin nito? Magbigay ng halimbawang sitwasyon o pangyayari.
4. Natutuhan mo sa paaralan na dapat ingatan at panatilihing malinis ang ating kapaligiran.
Alam mo na ito ay isang mabuting gawain. Isinasagawa mo ba ito? Ipahayag ang iyong
damdamin.
Share
Answer:
patulong Rin same question