Pangako: May Kakambal na Pana
Nenita Impreso-de Vega
Ang lahat ay nakararanas na mabigyan ng pangako
, at nagbibigay din tayo ng
pangako.
Ang tanong, iniisip ba natin ang anumang pangakong ibinibigay natin? Paano kung
may mga pagkakataong hindi natin iyon natutupad dahil simple lang ang ipinangako, kaya
puwede itong hindi tuparin. Ang bawat pangako na binibitawan ay may bigkis na
pananagutang dapat itong tuparin.
Narito ang ilan sa mga paalaala upang matulungan tayo sa ating pagsisikap na maging
mapanagutan sa bawat pangakong ating binibitawan.
1. Laging isipin na "Ang pangako ay pangako." Walang simple o kumplikado o
mahirap o madaling gawing mga pangako, dahil ang langing nakabigkis sa ating
mga salita ay ang pananagutan sa pagtupad nito.
2. Mag-isip munang mabuti bago magbigay ng pangako. Yun lang kaya mong gawin
ang ipangako. Sabi nga, "Huwag mong ipangako ang buwan, kung hindi mo kaya
itong ibigay."
3. Laging pag-isipan na bawat pangakong ibinibigay sa iba ay kontrata din sa iyong
sarili. Higit sa lahat, ayaw natin mapahiya sa iba.
4. Maghanda rin sa mga "hindi maiiwasang pangyayari" na maaaring maging hadlang
sa iyong ibinigay na pangako, halimbawa ikaw o ibang kasapi ng pamilya ay
nagkasakit
, mayroong biglaang problema sa tahanan o paaralan, at iba pang mga
pangyayaring di-maiiwasan. Kapag nangyari ito, buong katapatang humingi ng
paumanhin.
5. Tandaan na ang pagtupad sa pangako ay larawan ng iyong katapatan sa kapuwa.
Higit sa lahat, ang pagiging mapanagutan sa pagtupad ng pangako ay tanda ng
mabuting pagkatao o karakter. Ang karakter ang nagpapatibay sa pagkakaroon ng
tiwala na bunga ng pagiging mapanagutan.
Ang iyong salita ay mahalaga. Tuparin ang bawat pangako.
Sagutin:
1. Ano ang mahalagang aral ang nilalaman ng binasa?
2. Tinitupad mo ba ang iyong pangako?
3. Paano nagiging tanda ng pagkamapanagutan ang pagtupad sa pangako?
4. Anu ano ang maaaring mangyari kung ang bawat tao ay hindi gaganap sa kaniyang
pananagutan?
HELP ME PLEASE囧rz
Share
Answer:
1. ang pangako ay pangako walang madali o kumplikado dapat parin tuparin
2. opo
3.nagiging tanda ito ng katapatan sa kapwa.
4.mapapahiya sa taong pinangakuan, pwedeng maging dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigan