Panghalip panaklaw halimbawa na pangungusap
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Panaklaw
Panaklaw ang tawag sa panghalip na tumutukoy sa bilang o dami. Ito ay walang tinutukoy na pangalan ng tao, bagay, o lugar. Ito ay maaaring may panlapi o wala. Maaaring pang - isahan o panglahatan. Mula sa katagang saklaw na nagpapahiwatig ng nasasakop o nasasaklaw.
Mga Halimbawa:
1. Lahat tayo ay nilikha ng Diyos.
2. Isa lamang ako sa mga mag-aaral ng Mababang Paaralan ng Pag-asa. 3. Kailanman hindi ko iiwan ang aking pamilya.
4. Sinuman sa inyo ang nais magtanong, mangyari po lamang na itaas ang kanang kamay.
5. Alinman sa dalawa ang iyong piliin,
tiyak ikaw ay magkakaroon ng magandang kinabukasan.