Pangkalahatang Tagubilin: Basahing mabuti ang mga tanong at sagutan ang bawat isa. Panatilihing
malinis ang inyong test paper.
I. Panuto: Kunin sa loob ng kahon ang sagot sa sa sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot sa
patlang.
1. Ang tawag sa mga kasapi ng Katipunan.______________________
2. Ang La Ilustracion ay naliwanagan sa Spain, kilala naman ito sa panahon ng____________.
3. Babasahin na nagpaparating sa pinunong Español ng mga katiwalian sa Pilipinas._______________
4. Sa pagbubukas nito ay umunlad ang kalakalan, at naging maikli ang paglalakbay mula Maynila
patungong Spain. Ito ang nagdurugtong sa Mediterranean Sea at Red Sea._________________
5. Lihim na kilusan na naglalayong wakasan ang pananakop ng mga Español sa pamamagitan ng
puwersa o lakas. _______________________
6. Ito ang pangkat na pinamumunuan ni Baldomero Aguinaldo na naglalayong magtatag ng bagong
pamunuan ang mga katipunero.___________________
7. Mga makabayang Pilipino na humingi ng pagbabago at pagkakapantay-pantay sa pamamahala ng
mga Español. __________________
8. Ang pag-usbong ng kaisipang ito ang isa sa dahilan ng paggising ng damdaming Nasyonalismo ng
mga Pilipino na nagbunsod sa kanilang pakikipaglaban para sa pagkakapanta-pantay at
Kalayaan.________________________
9. Nang mabunyag ang Katipunan, ay nagpulong ang mga Katipunero kasama si Andres Bonifacio
sa Caloocan at dito ay napagkasunduang simulan na ang himagsikang Pilipino. Ano ang tawag
dito?______________________________
10. Kilusang naglalayong magpatupad ng Reporma, itinatag ito ni Jose Rizal._____________________
Share
Answer:
nasa modyul lang ang sagot