Pangwakas ng Pag susulit
Ngayong natapos mo na ang aralin, subukin natin ang iyong mga natutunan. Basahin at sagutin ang mga tanong. Piliin at isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot. Gawin ito sa sagutang papel
_____1. Anong uri ng pagmamahal ang ipinapakita ng isang anak na sumusunod sa
kanyang mga magulang?
A. Affection B. Agape C. Eros D. Philia
_____ 2. Ito ang ginagawa ng tao upang kausapin ang Diyos.
A. Pagbabasa ng Salita ng Diyos
B. Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad
C. Pananalangin
D. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay
_____ 3. “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang
kapatid ay sinungaling.” Ang pahayag na ito ay______.
A. Mali, dahil maipakikita lamang ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsisisimba.
B. Tama, dahil dapat mahalin ang kapuwa.
C. Tama, dahil maipakikita lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos kung
minamahal din ang kapwa.
D. Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay hiwalay sa pagmamahal sa
kapwa.
_____ 4. Ito ay pagmamahal ng isang tao sa kanyang kaibigan.
A. Affection B. Agape C. Eros D. Philia
_____ 5. Tuwing Linggo ay nagsisimba si Ellen at madalas na magdasal. Siya
rin ay nagbabasa ng bibliya bago matulog sa gabi. Ngunit sa kabila nito ay hindi niya sinusunod ang kanyang mga magulang. Lagi niyang sinisigawan ang mga ito. Nagpapakita ba si Ellen ng pagmamahal sa Diyos?
A. Oo, dahil ginagawa naman niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos.
B. Oo, dahil ang kaniyang pagsisimba, pagdarasal, at pagbabasa ng Bibliya
ay ikinalulugod ng Diyos.
C. Hindi, dahil matigas ang kanyang ulo.
D. Hindi, dahil nababalewala ang kaniyang ugnayan sa Diyos kung hindi
maganda ang ugnayan niya sa kaniyang kapwa.
_____ 6. Ito ang paraan upang malaman ng isang tao ang aral at katuruan na galing
sa Diyos.
A. Pagbabasa ng Salita ng Diyos
B. Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad
C. Pananalangin
D. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay
_____ 7. “Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-
ibig. Ang pahayag na ito ay _______________.
A. Mali, dahil ang ating relasyon sa Diyos ay hiwalay sa ating relasyon sa ating kapwa.
B. Mali, dahil maaaring kumilala ang tao sa Diyos kahit hindi siya umiibig.
C. Tama, dahil ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay dapat naipapakita rin sa
pamamagitan ng pag-ibig sa kapwa.
D. Tama, dahil hindi ka iibigin ng Diyos kapag hindi ka marunong umibig.
_____ 8. Ito ang itinuturing na pinakamataas na uri ng pagmamahal na ipinapadama
ng Diyos sa tao.
A. Affection B. Agape C. Eros D. Philia
_____ 9. Ito ay ang paniniwala at pagtitiwala ng tao sa Diyos
A. Pagsisimba B. Pananampalataya C. Relihiyon D. Pagninilay
_____ 10. Kapag ang isang mag-asawa ay patuloy na naging tapat sa isa’t-isa at hindi
niloko ang kanyang kabiyak, siya ay nagpapakita ng anong uri ng pag-ibig?
A. Affection B. Agape C. Eros D. Philia
Share
Answer:
1.b
2.b
3.c
4.d
5.a
6.d
7.c
8.b
9.a
10.a
sana naka tulong
mark me as brainlest
#CarryOnLearning
Answer:
That's all.
#CarryOnLearning
Explanation:
I'm christian,Marami na akong natutunang aral mula sa diyos na naibahagi ng aming pastor.
,,I hope it helps :)