Panimulang Pagtataya Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang. Suriin ang bawat pahayag. Isulat ang salitang TAMA kung ikaw ay sang-ayon at MALI kung ikaw ay hindi naman sang-ayon sa pahayag.
1. Tanggapin na ang Diyos ang dapat maging sentro ng buhay-pampamilya.
2. Ang pakikinig sa panalangin o sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya ay sapat kahit pa ang magmemorya sa nilalaman nito.
3.Mas magiging malalim ang mensaheng maibibigay ng aral ng pananampalataya kung ito ay mararanasan sa pang-araw- araw na buhay.
4. Gamitin ang mga pagkakataon na handa ang bawat kasapi ng pamilya na makinig at matuto.
5. Sa pagtuturo tungkol sa mahalagang aral tungkol sa pananampalataya, mahalagang maisagawa ito nang paminsan-minsan upang ito ay tumanim ng malalim sa kanilang puso at isipan. 6. Ang pagbibigay ng suhol sa anak upang magsimba ay makakatulong upang mas mahubog ang kaniyang pananampalataya.
7. Ipadanas ang pananampalataya nang may kagalakan.
8. Ayon sa isang artikulo sa internet, kung ang impormasyon ay ibibigay sa isang tao ng isang beses lamang, mababa sa 10% bahagdan lamang nito ang matatandaan paglipas ng 30 araw.
9. Ang paghubog sa tao sa pananamplataya ay hindi dapat pinipilit. 10. Mahalagang tanggapin at yakapin ng lahat ng kasapi ng pamilya na ang Diyos at ang tunay na pananampalataya sa Kaniya ang makapagbibigay ng katiwasayan sa pamilya at sa ugnayan ng mga kasapi nito.
Share
Answer:
1.Tama
2.Tama
3.Tama
4.Tama
5.Tama
6.Mali
7.Tama
8.Tama
9.Tama
10.Tama
Explanation:
Sana tama po ang sagot ko