Panuto: Ang mga sumusunod na mga pangungusap o sitwasyon ay mga papel na ginagampanan ng pamilya sa lipunan. Isulat sa patlang kung ang mga ito ay papel PANLIPUNAN O PAMPOLITIKAL. 1. Nakaugalian ni Nanay na magwalis sa harap ng bakuran tuwing umaga. 2. Si Aling Nena ay nagtanim ng ibat ibang klase ng gulay sa kanilang bakuran. 3. Ang pamilyang Castro ay hinihiwalay ang nabubulok o di nabubulok nilang basura bago kunin ng mga basurero ng barangay. 4. Ako ay nagparehistro sa barangay upang makapagboto sa darating na halalan 2022. 5. Isinuplong ng mga residente ng Bondocville ang illegal na sugalan sa kanilang lugar. 6. Hinihikayat ng Barangay San Matias na sumali sa Clean and Green na programa ng pamahalaan. 7. Kailangang itigil na ang pagkakaingin sa mga kabundukan upang maiwasan ang pagkalbo ng mga kabundukan. 8. Pansamantalang pinatuloy ng pamilyang Roxas ang kanilang kapitbahay na nasunugan. 9. Labis na tinutulan ng mga residente ang malaswang billboard sa may highway ng San Fernando na maaaring magdulot ng masamang impluwensya lalong lao na sa mga kabataan. 10. Sama-samang nagbayanihan ang mga kapitbahay upang matulungan ang mga nasalanta ng bagyo.
Share
Answer:
1. Panlipunan
2. panlipunan
3Panlipunan
4 Pampolitika
5 panlipunan
6 panlipunan
7 panlipunan
8 panlipunan
9 panlipunan
10 panlipunan
Explanation:
paki tignan kung Tama Po Ang sagot ko SALAMAT PO