Panuto: Ano kaya ang magiging wakas ng sumusunod na sitwasyon? Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Naglalaro buong hapon ang isang bata sa labas ng kanilang bahay habang umuulan.
Pagdating ng gabi ay napansinng kanyang ina ang madalas niyang pag-ubo.
a. Magkakaroon ng lagnat ang bata.
b. Magpapaalam siya sa kanyang ina na maligo ulit.
c. Papagalitan siya ng kanyang ama.
d. Pagtatawanan siya ng kanyang kapatid.
2. Ayaw gamitin ni Ben ang kanyang tsinelas kung lalabas siya ng bahay. Gusto niya
kasing magpapaa lang siya habang maglalakad. Narinig ng kanyang ama ang iyak ni
Ben.
a. Nakagat si Ben ng aso.
b. Nahulog si Ben sa kanal.
c. Natinik ang paa ni Ben ng isang pako.
d. Nadapa si Ben.
3. Pilit pumunta sa laot ang magkapatid habang may paparating na unos. Malakas na
ang ihip ng hangin at malakas ang hampas ng alon sa kanilang Bangka. Sumigaw ang
magkapatid.
a. Nakakita sila ng maraming isda.
b. May nakita silang barko papalapit sa kanila.
c. Nalunod ang kanilang bangka.
d. Lumiwanag ang paligid.
4. Nakita ni Aling Maria na tila nahihirapan ang kanyang anak sa pagsagot ng mga
modyuls. Palaging nagrereklamo ang kanyang anak dahil sa sobrang gawain na
ipapasagot ng kanyang guro. Gumawa si Aling Maria ng eskedyul para magabayan
ang anak kung anong modyul ang sasagutin sa araw na iyon.
a. Magrereklamo pa rin ang kanyang anak.
b. Magiging madali na ang pagsagot ng kanyang anak sa mga modyuls.
C. Papagalitan niya ang kanyang anak.
d. Hindi na mag-aaral pa ang kanyang anak.
5. Maagang umuwi si Linda galing sa paaralan. Masakit na masakit ang kaniyang ulo.
Mainit ang kanyang buong katawan.
a. Naglalaro si Linda pagdating sa bahay.
b. Maliligo siya para mawala ang sakit.
c. Nagpapahinga siya at uminom ng gamut pagdating sa bahay.
d. Papagalitan siya ng kanyang ina.
Share
Answer:
1.A
2.C
3.C
4.B
5. C
Explanation:
Hindi ko po sure tama pero base sa pagkakaintindi ko yan sagot ko