Panuto B: Pag-aralan ang bawat pahayag. Isulat ang TAMA sa linya kung wasto ang
ipinahahayag ng pangungusap. Kung MALI, isulat sa linya ang salitang mali sa
pahayag.
__________1. Nagtayo ang pamahalaan ng paaralang pampamayanan o Community
schools para linangin sa mga kabataang Pilipino ang damdaming nasyonalismo at alisin
ang kaisipang kolonyal.
__________2. Ang Land Bank ng Pilipinas ang kinilalang charter ng ekonomiya ng
bansa dahil ito ang nagpapanatili ng katatagan ng halaga ng piso.
__________3. Ang mga Amerikano at Tsino ang may kontrol sa mga malalaking
negosyo o korporasyon ng Pilipinas at ang mga Pilipino ay nagsisilbing manggagawa at
upahan lamang.
__________4. Bunga ng pagkasira ng mga sakahan, taniman, impraestruktura at ang
maraming likas na yaman kaya mas mataas ang antas ng pag-aangkat kaysa pagluluwas
ng mga produkto.
__________5. Sa bisa ng Resolusyon Blg. 402 ay ipinatupad ang Patakarang Pilipino
para maiangat ang ekonomiya ng bansa.
__________6. Tinanggap kaagad ng mga dayuhang mangangalakal sa Pilipinas ang
Patakarang Pilipino muna kasi mas maganda ang kanilang produkto.
__________7. Ang epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa mga Pilipino ay
napanatili nilang mapataas at mapahalagahan ang kanilang moral.
__________8. Noong panahon ng Ikatlong Republika ay hawak ng mga mangangalakal
na Amerikano at Tsino ang pitumpung bahagdan ng panlabas na kalakalan.
__________9. Itinatadhana ng Retail Trade na ang mga negosyante lamang nang tingian
ay ang mga korporasyon o samahang ganap na Pilipino.
__________10. Sa pamamagitan ng Kodigo sa Reporma ng Lupa ay napahalagaan at
natulungan ang mga maliliit na magsasaka na lumaki ang porsiyento nila sa kanilang
naaning palay
Share
Answer:
Tama
tama
Tama
Tama
Mali
Tama
Tama
Mali
Tama
Tama