PANUTO: Basahin ang bawat pahayag. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
___1. Ito ay tumutukoy sa damdaming makabayan.
a. Imperyalismo
b. Nasyonalismo
c. Kolonyalismo
d. Neokolonyalismo
__ 2. Siya ang nangunang lider nasyonalista sa India
a. Mohandas Gandhi
b. Ali Jinnah
c. Ibn Saud
d. Mustafa Kemal Ataturk
___3. Paraang ipinatupad kung saaan ang isang bansa na naghahanda upang maging malaya at isang nagsasariling bansa ay ipinasasailalim muna sa patnubay ng isang bansang Europeo
a. Sistemang Mandato
b. Zionism
c. Holocaust
d. Sistemang Galleon
___4. Tawag sa pag-uwi sa Palestine ng mga Jew mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo
a. Sistemang galleon
b. Sistemang Mandato
c. Zionism
d. Holocaust
___ 5. Siya ang namuno ng pagsilang ng kalayaan sa Pakistan
a. Ibn Saud
b. Mustafa Kemal Ataturk
c. Mohandas Gandhi
d. Ali Jinnah
___6. Sa pakikipagsapalaran nakamtan ng India ang kasarinlan. Anong uri ng nasyonalismo ang isinagawa ni Mohandas Gandhi laban sa pananakop ng Great Britain?
a. Agressive
b. Defensive
c. Passive
d. Radikal
___7. Naghangad din ng kalayaan ang India. Anong pamamaraan ang isinagawa rito upang matamo ang kanyang hangarin?
a. Nakipag-alyansa sa mga kanluranin.
b. Itinatag ang Indian National Congress.
c. Binoykot ang mga produktong Ingles.
d. Tinulungan ang mga Ingles sa panahon ng digmaan.
___8. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay-daan ito para ang mga Asyano ay matutong?
a. Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong Kanluranin.
b. Maging mapagmahal sa kapwa.
c. Makisalamuha sa mga mananakop
d. Maging laging handa sa panganb
___9. Ito ang tawag sa pagpapatiwakal ng mga biyudang babae at pagsama sa libing ng namatay na asawa na ipinatigil ng mga Ingles noong namahala sila sa India.
a. Female Infanticide
b. Zionism
c. Amritsar Massacre
d. Suttee o sati
___10. Ito ang pangyayaring naganap kung saan maraming Indian ang namatay sa isang selebrasyon dahil sa pamamaril ng mga sundalong Ingles.
a. Female infanticide
b. Amritsar massacre
c. Suttee o sati
d. Zionism
___11. Sa ilalim ng Ingles, nagkaroon ng mga pagbabago sa India na hindi katanggap-tanggap sa mga Indian. Alin ang isang pagbabagong hindi natanggap ng mga Indian?
a. Pagpapalaganap ng isang sistema ng edukasyon na ayon sa pamantayang Ingles
b. Paglilipat ng mga sentro ng gawaing pangkabuhayan sa mga baybaying-dagat
c. Pagkakaroon ng racial discrimination sa pagbibigay ng posisyon sa pamahalaan
d. Pagpapahusay ng mga transportasyon at komunikasyon
___12. Alin sa mga sumusunod na bansa ang hindi kabilang sa Kanlurang Asya na lumaya rin sa pamamahala ng mga bansang Europeo?
a. Kuwait
b. India
c. Lebanon
d. Saudi Arabia
___13. Ano ang ipinahihiwatig ng tagumpay ng kampanya ni Mohandas Gandhi sa kolonyalismo ng mga Ingles sa India?
a. Mahusay na rebolusyong lider si Mohandas Gandhi.
b. Maaaring labanan ang kolonyalismo sa mapayapang paraan.
c. Ang pang-aapi ng mga kolonyalista ay may katapusan.
d. Naging simbolo si Mohandas Gandhi ng pagkakaisa ng mamamayan sa India.
___14. Pahayag 1: Hangarin ng mga Asyano na wakasan ang panghihimasok ng mga kanluraning bansa.
Pahayag 2: Maraming makabayang samahanang naitatag sa Asya.
a. Ang pahayag 1 at pahayag 2 ay tama.
b. Ang pahayag 1 ay tama at ang pahayag 2 ay mali.
c. Ang pahayag 1 at pahayag 2 ay mali.
d. Ang pahayag 1 ay mali at ang pahayag 2 ay tama.
___15. Pahayag 1: Nagtagumpay si Mohandas Gandhi na mapagisa ang mga Hindu at Muslim sa isang bansa hanggang siya ay mamatay.
Pahayag 2: Si Mohandas Gandhi ang nanguna upang matamo ang kalayaan ng India.
a. Ang pahayag 1 at pahayag 2 ay tama.
b. Ang pahayag 1 ay tama at ang pahayag 2 ay mali.
c. Ang pahayag 1 at pahayag 2 ay mali.
d. Ang pahayag 1 ay mali at ang pahayag 2 ay tama.
Share
Answer:
b. Ang sagot
Explanation:
Ang tamang sagot