Panuto: Basahin ang kwento at sagutin ang mga tanong pagkatapos nito.
Si Marissa ay sampung taong gulang na mahilig sa pag-recycle ng mga patapong
bagay. Ito ang kanyang pinagkakaabalahan sa panahon ng pandemya na siyang
kinawiwilihan gawin sa loob ng bahay sa araw-araw. Ginamit niya ang kanyang
pagkamalikhain sa paggawa ng regalo gamit ang mga patapong bagay para sa
nalalapit na kaarawan ng kanyang ina, sapagkat wala siyang perang pambili nito.
Pagsapit nang kaarawan ng kanyang ina ay inabot ni Marissa ang ginawa niyang
regalo. Lubos na kasiyahan ang nadarama ng kanyang ina ng matanggap ang
regalong pinaghirapan ng kanyang anak. Nagpapasalamat siya sa Poong Maykapal na
nagkaroon siya ng isang mapagmahal at malikhaing anak.
Sagutin ang mga tanong:
1. Sino ang dalawang tauhan sa kwento?
2. Ano ang hilig gawin ni Marissa?
3. Bakit naisipan ni Marissa na gumawa ng regalo kaysa bumili?
4. Anong aral ang natutunan mo sa kwento?
5. Nakatutulong ba ang pagiging malikhain ng isang tao? Bakit?
Share
Answer:
1•si Marissa at Ang kanyang ina
2•mahilig mag recyle ng mga patapong bagay
3•upang makatipid
4•na dapat mag tipid
5•oo sapat kat Isa itong katangian na maari mong magamit
Yan Lang alam ko sorry pa correct if mali
Answer:
1.ina, marissa
2.mag recycle
3.dahil mayroon naman syang talinto para makagawa ng regalo gamit ang patapon na gamit
4.natutong magtipid
5.oo dahil pwedeng magdulot din ito ng magandang aral
Explanation: