Panuto: Basahin ang mga nasa ibaba at tukuyin kung anong klaseng paraan
ng pagpapakita ng pasasalamat. Pumili lang ng sagot na nasa kahon sa
ibaba. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng repleksyon. Bawat araw, kahit ilang
saglit ay isipin ang mga tao o mga bagay na pinapasalamatan mo.
___________________________________________________________________
2. Maaari itong simpleng liham ngunit nagpaparamdam ng malalim na
pasasalamat.
___________________________________________________________________________
3. Isang magandang pagpapakita ng pasasalamat ay kapag niyakap mo
ang iyong magulang dahil sa masarap na pagkain na iniluto para sa iyo.
________________________________________________________________________
4. Harapin ang bawat araw sa pamamagitan ng pag-iisip ng mga biyayang
natatanggap tulad ng hanging nalalanghap, ang araw na nagbibigay
liwanag at maging ang mga di mo kilalang tao na gumawa sa iyo ng serbisyo
tulad ng drayber ng dyip, pulis o guro na naglaan sa iyo ng oras.
___________________________________________________________________________
5. Marami tayong mga naririnig o nababasang mga quotations na
nagpapabago sa ating kamalayan o nagpapaganda sa ating pakiramdam.
___________________________________________________________________________
6. Kung ikaw ay may birtud ng pasasalamat, nagagawa mo maging ang mga
simpleng gawain na ikatutuwa ng ibang tao tulad ng pagbukas ng pinto para
sa kanila, pagbuhat sa kanilang mabibigat na dalahin, pagpulot ng mga
nakakalat na papel sa daan, pagbigay ng kontribusyon sa mga kawanggawa
at iba pa.
_________________________________________________________________________
7. Isang simpleng regalo ngunit nagpapakita ng pag-alaala sa taong
gumawa sa iyo ng kabutihan ay tunay na nagbibigay kasiyahan. Ang
mahalaga lamang dito ay bukal sa iyong puso ang pagbibigay.
A. Gumawa ng kabutihang-loob sa kapwa nang hindi naghihintay
ng kapalit.
B. Magkaroon ng ritwal na pasasalamat.
C. Magbigay ng munti o simpleng regalo.
D. Magpadala ng liham-pasasalamat sa mga taong nagpakita ng
kabutihan o higit na nangangailangan ng iyong pasasalamat.
E. Ang pangongolekta ng mga quotations ay magpapabuti sa
iyong pakiramdam.
F. Magpasalamat sa bawat araw.
G. Bigyan ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kinakailangan.
H. Magpasalamat minsan sa isang linggo.
Share
Answer:
SANQ MAKA TULONG YAN SALAMAT PO SA POINT AT SANA MAKA TULONG AKO SA IYU
Explanation: