Panuto: Basahin ang mga sumusunod at suriin kung sa aling prinsipyo ng Likas na Batas Moral nakatuon ang mga ito. Isulat lamang ang letra ng iyong sagot sa isang sagutang papel.
1. Mahilig makipag-kaibigan si Lucas. Ilan sa kanyang mga kaibigan ay natutong uminom ng alak at manigarilyo sa murang edad. Alam niya na walang buting maidudulot sa katawan ang ganitong mga bisyo at maaaring magdulot ng sakit. Kaya naman ganun na lang ang pag-iwas niya sa tuwing siya ay hinihikayat ng kanyang mga kaibigan na subukang gawin ang mga ito. Ang pag-iwas ni Lucas sa mga bisyo ay katunayan lamang ng pagsunod sa anong prinsipyo ng Likas na Batas Moral?
a. Gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
b. Ang tao ay may likas na hilig na ingatan ang kanyang buhay.
C. Likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak.
d. May likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan
2. May sapat na pera ang pamilya nina Ana upang makapamili ng maraming suplay ng pagkain at iba pang pangangailangan bilang paghahanda sa malawakang "Enhanced Community Quarantine". Ngunit minabuti nilang bilhin lamang ang sapat at ayon sa pinapayagang alokasyon para sa bawat produkto.ito ay base na din sa paalala ng mga may awtoridad na "huwag mag-panic buying" Ang ginawang ito ng pamilya ni Ana ay naka-ayon sa anong prinsipyo ng Likas na Batas Moral?
a. Gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
b. Ang tao ay may likas na hilig na ingatan ang kanyang buhay.
c. Likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak.
d. May likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan.
3. Sina Warren ay Wena ay nagdesisyon na magkaroon lamang ng dalawang anak kahit pareho riaman silang may regular na hanap-buhay. Batid nila ang kakayahan at responsibilidad nila bilang mga magulang. Ang pasyang ito ng mag-asawa ay nakabatay sa isa sa anong prinsipyo ng Likas na Batas Moral?
a. Gawin ang mabuti at iwasan ang masama,
b. Ang tao ay may likas na hilig na ingatan ang kanyang buhay.
c. Likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak.
d. May likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan.
4. Batid ni Dada na nasa lahi nila ang sakit na diabetes kaya sinsisikap niyang kumain ng mga masusustansyang pagkain at mag-ehersisyo araw-araw sa kabila ng pagiging abala sa trabaho, ito ay pagpapakita lamang ng pag-sunod sa anong prinsipyo ng Likas na Batas Moral
a. Gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
b. Ang tao ay may likas na hilig na ingatan ang kanyang buhay.
c. Likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak.
d. May likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan.
5. Si Stewart ay nag-boluntaryong sumama sa mga kabataan upang mamahagi ng relief goods" para sa mga kababayang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal. Dito ay natuklasan niya na may lang kasamahan siyang nagsusubi ng ilang balat ng relief goods upang ibenta at pagkakitaan. Inalam niya ang pinaka-lider ng katiwalian at ipinagbigay-alam sa mga may awtoridad. Ang desisyong ito ni Stewart ay nakabatay naman sa anong prinsipyo ng Likas na Batas Moral?
a. Gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
b. Ang tao ay may likas na hilig na ingatan ang kanyang buhay.
c. Likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag aralin ang mga anak.
d. May likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan.
Share
Answer:
1a
2d
3c
4b
5a
Explanation:
Basta yan yung sagot ko review niyo nalang kung may duda kayo
Salamat