Panuto: Basahin ang talata at bigyan ito ng angkop na wakas. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1.Barumbado at palasagot sa magulang si Arnel. Maging ang kanyang mga kapatid ay hindi niya kasundo. Sa kabilang banda, mabait at sunud-sunuran siya sa kanyang mga kabarkada. Walang hiniling ang mga ito na hindi niya ginawa. Minsan kinantyawan nila si Arnel na agawan ng cellphone ang isang lalaki. Agad siyang tumakbo palayo. Subalit hinabol siya ng may-ari na noo’y may dalang baril.
A.Kaya lang mas mabilis tumakbo si Arnel at agad nakapagtago.
B. Nang makita ni Arnel na may humahabol sa kanya ipinasa niya ang cellphone sa isang di kilala.
C. Agad siyang pinaputukan sa paa at dinala sa presinto para ireklamo.
D. Nang hindi matanaw ang magnanakaw dahil sa makapal na tao, nagsumbong na lamang ang lalaki sa pulisya.
2. Masama na ang pakiramdam ni Fe nang umuwi mula sa trabaho. Gayon man nagluto siya ng hapunan para sa asawa at maliit na anak na masayang naglalaro sa sala. Naghahanda siya ng mesa nang maramdaman niyang umiikot ang mga bagay sa paligid. Noon nama’y papasok sa kusina ang panganay niyang anak para sabihing gutom na sila. Nakita niya nang unti-unting bumagsak sa swelo ang kanyang nanay.
A.Lumapit siya at nag-iiyak nang nag-iiyak.
B.Dali-dali siyang tumakbo palabas ng kanilang bahay.
C.Hinawakan niya ang dalawang kamay ng nanay niya at tinulungang tumayo.
D.Bumalik siya sa sala at tinawag ang tatay niya.
3. Madalas na umiiyak si Erika. Halos sumuko sa siya tuwing naririnig ang mahahayop na puna ng hurado tungkol sa kanyang pag-arte, pag-awit at pagsayaw. Gayon man, tinatagan niya ang kanyang loob. Ipanangako niya sa sariling pagbubutihan pa niya sa susunod nilang pagahaharap ng limang finalists sa patimpalak. Kaya naman wala siyang sinayang na sandali. Nagpraktis siya nang nagpraktis. Hanggang sumapit ang gabi ng pagpili ng grand questor.
A.Hindi nakasali si Erika. Nagkasakit siya at hindi niya kayang bumangon sa pagkakahiga.
B.Tulad ng kanyang inaasahan, humanga ang balana lalo ang mga hurado sa husay niya. At siya ay nagwagi.
C.Halos mawalan siya ng malay nang marinig ang desisyon ng mga hurado. Talo siya.
D.Bigla siyang kinabahan at natakot na makarinig ng hindi magagandang puna kaya dali-dali siyang umuwi.
4. Naging napakahirap ng buhay ni Waldo mula nang siya’y maulila sa mga magulang. Wala siya ni isang kamag-anak na maaring kumupkop sa kanya. Ang kalye ang naging kanyang tahanan at nabuhay siya sa pagtitinda ng dyaryo. Isang araw habang siya’y naglalakad, anong gulat niya nang isang bag ang inihagis sa kanya ng isang rumaragasang lalaki. Agad siyang nagkubli at nagmasid sa paligid.Mayamaya…….
A. Naramdaman niya ang paghila sa kanya ng matandang nakakita sa pangyayari sabay agaw sa bag.
B.Natanaw niya ang isang babaeng sigaw nang sigaw na wari’y itinuturo sa kasamang pulis ang dinaanan nang lalaking nag-agaw ng kanyang bag.
C.Dumating ang iba pang batang nagtitinda ng dyaryo at tinulungan nila si Waldo na makatakas.
D.Lumabas siya sa pinagtataguan at hinabol ang lalaking naghagis sa kanya ng bag.
5. Kinalimutan ni Sherwin ang ginagawang pagtulong ng kanyang mga negosyanteng magulang sa mahihirap. Pinauutang nila ang mga kababayan nang may napakaliit na tubo upang may mapuhunan sa paghahanapbuhay. Nang siya’y makatapos sa pagaaral, siya’y may masidhing pagnanais na makatulong sa mahihirap na gaya ng kanyang mga magulang. Kaya nagpasya siyang bumalik sa bansa at……
A. Ipinamudmod sa mahihirap ang kayamanang naiwan ng mga magulang.
B.Naghanap ng trabaho at pinagsisilbihan ang mahihirap.
C.Nagpagawa siya ng isang ampunan para sa mahihirap na matatanda at mga alila.
D.Nagtayo siya ng isang bangko na mahihiraman ng mga kababayan para makapagsimula ng sariling negosyo.
Share
Answer:
C
D
B
Explanation:
1. C. Agad siyang pinaputukan sa paa at dinala sa presinto para ireklamo.
2. D. Bumalik siya sa sala at tinawag ang tatay niya.
3. B. Tulad ng kanyang inaasahan, humanga ang balana lalo ang mga hurado sa husay niya. At siya ay nagwagi.
4 D
5 D