Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyon sa iyong
sagutang papel.
Limang Hakbang Laban sa Coronavirus
ni Dana Fe A. Ragat, West Dirita ES ka
"Mahirap magkasakitl” madalas itong sabihin ng mga matatanda. Higit
na naging ekspresyon ito ngayon dahil sa paglaganap ng coronavirus. Kaya
naman nagiging maingat ang lahat upang makaiwas sa sakit na dulot
ng
virus
na ito.
Narito ang limang hakbang upang patuloy na malabanan ang virus na
ito. Una, ugaling maghugas ng mga kamay. Gumamit ng sabon, alkohol o
sanitizer sa paghuhugas o paglilinis ng kamay. Pangalawa, dahil madalas
nating gamitin ang ating mga kamay sa pagtatrabaho o paghawak ng mga
bagay-bagay, iwasan ang paghawak sa ating mata, ilong at bibig. Pangatlo,
laging magsuot ng face mask at face shield bilang proteksiyon sa pag-ubo at
pagbahing ng mga tao sa paligid. Pang-apat, iwasan ang matataong lugar at
malapitang pakikisalamuha sa taong may ubo o lagnat. At panglima, manatili
na lamang sa bahay kung hindi naman mahalaga ang pupuntahan at lalo na
kung ikaw ay maysakit
Tandaan ang limang hakbang ng pag-iwas sa coronavirus sapagkat
mahalagang maging maingat para sa kaligtasan ng sarili at mahal sa buhay
mga tanong:
1.tungkol saan nabasa mong teksto?
2.anong suliranin o problema ang inilahad sa teksto?
3.nakatulong ba ang nilalaman ng teksto? bakit?
4.ano ang nais ipahayag na paniniwala ng may- akda ng teksto?
5.Ikaw,sa paanong paraan mo nabibigyan ng proteksiyon ang iyong sarili ngayon laban sa virus?
Share
Answer:
1.ang aking nabasang teksto ay tungkol sa limang hakbang laban sa corona virus
2.ang suliranin o problema na inilahad ng teksto ay ang kahirapan na magkasakit sa gitna ng pandemya.
3. nakatulong ito dahil ang nilalaman ng tekstong ito ay ang mga hakbang para makaiwad o maging ligtas sa sakit.
4. ang nais ipahiyag ng may akda ay sumunod sa mga hakbang upang makaiwas sa sakit.
5.sa panahong ngayun mapoprotektahan ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang gaya nalang ng pananatili sa loob ng bahay at laging pagsusuot ng face mask kung ako man ay lalabas.