Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang sumusunod na tanong.
Isulat sa malinis na papel ang iyong mga sagot.
Ang mga-anak na Reyes ay likas na matulungin. Sila ay nagpunta sa
kalapit na Barangay upang tulungan ang mga taong nasunugan. Sina Aling
Oneng at Mang Romy ang nagbibigay ng pagkain. Sina Argie, Tina at Leo
ang tumutulong sa pag-eempake ng mga pagkain na ipamimigay. “Ako na
ang maglalagay ng noodles sa supot,” ang sabi ni Argie. “Ikaw naman Tina
ang maglagay ng mga de lata. Sila naman ang maglalagay ng mga bigas,”
sabay turo ng dalawang bata kay Leo. Ang pamilya ay masayang-masaya
kapag sila ay may natutulungan
1. Ilarawan ang mga bata sa kuwento.
2. Bakit sila nasa kalapit Barangay?
3. Anong uri ng mga bata ang magkakapatid?
4. Ano ang katangiang taglay ng mag-anak?
5. Ano ang maaaring maging batayan ng isang pamilya upang
maging masaya?
6. Kung ikaw ay isa sa mga anak nila G. at Gng. Reyes, paano mo sila tutularan? Bakit?
Share
0 Replies