Panuto: Basahin ang talata at suriin ang mga pang-uring ginamit sa pangungusap. Kunin ang
Pang-uri at isulat ang kaantasan nito. (1-10)
(Lantay, Pahambing na Pasahol o Palamang, Pahambing na Patulad, Pasukdol)
Sariwa ang hangin na humihihip sa karagatan. Mas masarap ang pakiramdam ko
ngayon kaysa noong nakaraang buwan. Kapansin-pansin din ang tubig na umaalon sa dagat
na maituturing kong kasinlinaw ng kristal. Di-gasino mang maingay dito, wala man ang
ingay na matagal ko nang kinagisnan, alam kong masasanay rin ako. Naalala ko tuloy ang
pook na pinasyalan namin ni inay noong bata pa ako. Magkasingganda ang pook na iyon at
ang lugar na kinatatayuan ko ngayon. Simputi rin ng bulak ang buhangin doon.
Akala ko iyon na ang una at huling araw na makadadalaw ako sa ganoong klaseng
lugar. Sa mura ko kasing edad noon, alam ko na ang hirap na pinagdadaanan ng aming
pamilya kaya napilitan akong magbanat ng buto kahit wala pa sa panahon. Buti na lang
kinaawaan ako ng Poong Maykapal. Inialis ako sa nakasusulasok na lugar at dinala ako sa
lugar na singganda ng paraiso. Salamat at nakilala ko si Sir James Bossier. Pansamantala man
ang pananahan ko dito, batid ko na sa aking pagpupursige kasama ng aking pamilya ay
makababalik ako dito upang manirahan. Napakasaya ko ngayon dahil may taong nagmamahal
sa akin.
"Sariwa ang hangin na humihihip sa karagatan. Mas masarap
ang pakiramdam ko ngayon kaysa noong nakaraang buwan.
Kapansin-pansin din ang tubig na umaalon sa dagat na maituturing
kong kasinlinaw ng kristal. Di- gasino mang maingay dito wala man
ang ingay na matagal ko nang kinagisnan, alam kong masasanay rin
ako. Naalala ko tuloy ang pook na pinasyalan namin ni inay noong
bata pa ako. Magkasingganda ang pook na iyon at ang lugar na
kinatatayuan ko ngayon. Simputi rin ng bulak ang buhangin doon.
Akala ko iyon na ang una at huling araw na makadadalaw ako
sa ganoong klaseng lugar. Sa mura ko kasing edad noon, alam ko
na ang hirap na pinagdadaanan ng aming pamilya kaya napilitan
akong magbanat ng buto kahit wala pa sa panahon. Buti na lang
kinaawaan ako ng Poong Maykapal. Inialis ako sa nakasusulasok na
lugar at dinala ako sa lugar na singganda ng paraiso. Salamat at
nakilala ko si Sir James Bossier. Pansamantala man ang pananahan
ko dito, batid ko na sa aking pagpupursige kasama ng aking pamilya
ay makababalik ako dito upang manirahan"
Share
Answer:
sariwa(lantay)
Mas masarap(pahambing na palamang)
Kasinglinaw(pahambing na patulad)
Di-gasino(pahambing na palamang)
Magkasingganda(pahambing na patulad)
Simputi(pahambing na patulad)
Hirap(lantay)
Nakasusulasok(lantay)
Singganda(pahambing na patulad)
-hope it helps