Panuto: Basahin ang talata.
Ang Pandemyang Kinakaharap Natin
ni Rhona E. Adlawan, San Guillermo Elementary School
Ang mundo ay nahaharap ngayon sa pandemyang lumaganap at kinatakutan
ng lahat, ang COVID-19, na hanggang sa kasalukuyan ay wala pang lunas na
masasabing magsasalba sa mundo. Marami na ang nahawahan, nagkasakit at
nasawi. Lahat tayo ay apektado at nagkaroon na ng iba’t ibang argumento kung ano
ang nararapat gawin. Ang gobyerno ay nahihirapan din, dahil kung hindi ito
maaksyunan at masusugpo, maaring mas marami pang buhay ang masawi.
Lalo na’t patuloy pa ring pinag-aaralan ang tungkol dito sa virus. Nagkaroon
ng mga pagtatalo at argumento na kung ano ang dapat gawin upang maiwasan at
mapigilan ang COVID-19.
Narito ang mga mungkahi na isinagawa:
1. Pagmumungkahi ng lockdown
2.Pagpapalaganap ng mga Health Protocol
3. Pagtuklas ng gamot o bakuna para sa COVID- 19.
Sa pagmumungkahi ng lockdown, napigilan ang
paglabas ng tao, kasabay nito ang pagbibigay ng
gobyerno ng ayudang pagkain at pera sa mga tao.
Nagkaroon ng malawakang pagpapatupad sa mga
kaalaman ng Health Protocol. ginamit ang lahat ng
komunikasyon lalo na sa iba’t ibang uri ng
pamamahayag upang maiparating sa mga tao ang
kahalagahan ng pag-iingat tulad ng social distancing,
pagsusuot ng facemask at face shield at palagiang
paghuhugas ng kamay at paggamit ng alcohol. Sa
ngayon, patuloy pa rin ang paghahanap ng bakuna na
maaring maging sagot sa suliraning ito. Iba’t ibang
argumento ang narinig, nalaman at nabasa natin,
patuloy pa rin ang aksyon at pag-aaral habang hindi pa
rin ito nagagawan ng mabisang lunas.
Lockdown nga ba ang pipigil sa sakit na ito? Pagsunod ba sa Health Protocol ang
magpapahinto nito? Ang bakuna nga kaya na sa ngayon ay sinisimulan nang
gamitin at ibigay sa tao para makita ang resulta kung magiging epektibo ang
kalalabasan para maibalik na sa normal ang lahat? Ang mga ito ba talaga ang
solusyon? Pero ayon na rin sa nangyayari ngayon, nasa tao ang problema. Ang virus
ay makakayang sugpuin at pigilan sa pagkalat kung susunod lamang tayo sa lahat
ng utos sa atin ng mga kinauukulan. Samut-saring argumento sa pandemyang ito,
mga reklamong walang tigil nating naririnig, mga hinaing at pagdurusa ng mga
lalong naapektuhan, patuloy ang paghahanap ng solusyon at sagot sa mga
naglalabasang problema kaakibat ng COVID-19 na kinakaharap natin.
Ngunit higit na kailangan ng tao ay disiplina sa sarili, dahil kahit ano pa ang
gawin ng gobyerno kung walang disiplina ang mga tao hindi magiging matagumpay
ito. Disiplina sa sarili para mahanap ang tamang lunas. Ang dapat nating gawin ay
magkaisa, magtulungan at patuloy na manalig sa Panginoon na matatapos din ang
lahat ng ito.
Panuto: Basahin at pag-aralan ang mga sumusunod na pahayag ukol sa tekstong
binasa.
1. Lockdown nga ba ang pipigil sa virus?
2. Pagsunod ba sa health protocol ang magpapahinto ng virus?
3. Ang bakuna nga kaya na sa ngayon ay sinisimulan nang gamitin at iturok sa tao
para makita ang resulta kung magiging epektibo ang kalalabasan upang
maibalik na sa normal ang lahat?
4. Ang mga ito ba talaga ang solusyon? Pero ayon na rin sa nangyayari ngayon
nasa tao ang problema.
5. Ang virus ay kayang sugpuin kung susunod tayo sa lahat ng ipinatutupad sa atin
ng mga kinauukulan.
6. Ngunit higit na kailangan ng tao ay disiplina.
7. Disiplina sa sarili para mahanap ang tamang lunas.
8. Magkaisa, magtulungan at patuloy na manalig sa Panginoon na matatapos din
ang lahat ng ito.
Share
Answer:
1. para sa akin oo pro dapat tayong mga tao ay may disiplina rin sa paano pag iwas para maiwasan na mn ang pag kalat ng virus
2. Siguro
3. Hindi tayo sigurado na yan na ba talaga ang sulosyon.
4. Oo naa sa tao ang problema dahil may iba na di nakikinig sa protocol
5. Oo
6. Oo dapat may disiplina talaga
7. Oo cguro
8. Oo dapat na manalig tayo sa Panginoon at gagawa din tayo ng aksyon paano kng ano ang makaka lunas nito