Panuto: Basahin ang tula at unawaing mabuti ang mensahe nito.
Ikaw ay may karapatan, Bata!
Bata ikaw ay may karapatan sa edukasyon, pumasok sa paaralan at matuto ng leksiyon. Daan ito para sa magandang kinabukasan, ikaw ang magsisilbing pag-asa ng ating bayan.
Bata ikaw ay may karapatang maglibang, sa iyong paglalaro ay walang dapat humarang. Kailangan mong sa iba ay makisalamuha, sa mga kaibiga't kalaro'y makipagpalitan ng tawa.
Bata ikaw ay may karapatang maging malusog, sa wastong nutrisyon ikaw ay dapat mabusog. Ika'y dapat hinahandaan ng mga prutas at gulay, para sa talino at siglang walang kapantay.
Bata ikaw ay may karapatang mabuhay, sa iyong paglaki ikaw ay dapat mayroong gabay. Nararapat na mabuhay nang tahimik at mapayapa, tingin sa iyo ng lipunan ay isang malaking biyaya.
Hinalaw mula sa Panitikan.com.ph.
MALAYANG PAGTATASA 1 Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel
1. Ano ang mensahe ng tula?
2. Sino-sino sa palagay mo ang magbibigay ng mga karapatang ito? Bakit?
Share
Answer:
1.ang mensahe ng tula ay ikaw ay may karapatang makapag aral o matutu.
2.ang mga magulangdahil sila ang magulang at sila ang lumuwal ng sarinilang anak at sila ang unang pang kukuhanan ng bata ng lakas o ng inspirasyon.
Explanation:
Yan sagot ko pa brainlys po
salamat