Panuto: Basahin ang tula nang may damdamin at pang-unawa. Epekto ng Pandemyang COVID-19 ni Lorielyn C. Danie Pleasant Hills Elementary School
Iba't ibang bagay naganap sa mundo Mula pa man noong nakaraang siglo Hindi sukat malirip at hindi mapagtanto Ang lahat ng epekto nito sa bawat tao Biglaan ngang dumating itong COVID-19 Nagdulot ng pangamba lalo na sa sakitin Trangkaso ay kahawig, tiyak na lalagnatin Sa taong lumalabas dulot ay paranoid din Maraming mag-aaral dagliang naguluhan Mga Modyul na ibinigay kailangang masagutan Samot-saring emosyon kanilang naranasan Mga Home Learning Partners, nagsilbing sandigan Ang mga kaguruan, dagliang naghanda Upang pagkatuto ay hindi mawala Panganib ng pandemya ay hindi alintana Upang maisalba kinabukasan ng bawat bata Frontliners kung tawagin ng mga nakararami Mga buhay na bayani, sa masay nagsisilbi Naglilingkod ng tapat upang walang maapi Tunay na inspirasyon, buhay ay isinantabi Pandemyang COVID-19, iba't iba ang epekto Hindi lang negatibo meron ding positibo Ngunit isa lamang mensahe sa bawat tao Sa Manlilikha itiwala kalagayan ng buong mundo.
•MGA TANONG•
1.TUNGKOL SAAN ANG TULA? _____ 2.ILANG SAKNONG MAYROON ANG TULA? _____
3.PAANO MO ILALARAWAN ANG MGA EPEKTO NG PANDEMYA SA BAWAT TAO?
4.MAYROON KA BANG KAHINTULAD NA KARANASAN NA NABANGGIT SA TULA? ILARAWAN
5. ANO ANG ARAL NA NATUTUHAN MO SA TULA NA MAARI MONG ISABUHAY?
PLS ANSWER IT CORRECTLY OR I'LL REPORT UR NONSENSE ANSWER
Share
Answer:
Explanation:
im sorry for the nonsense answer