Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na teksto. Isulat ang paksang diwa nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Hindi na mabilang ang mga kababayan nating nanguna sa larangan ng pag-awit, pagpipinta at pag-ukit. Hinahangaan ng mga dayuhan ang mga produkto natin na gawa sa kamay tulad ng pagbuburda at paglililok. Tunay na ang mga Pilipino ay malikhain sa iba't ibang larangan.
Paksang diwa:
2. ng maraming suliranin dapat umiral pa rin ang pagmamahalan, pagkakaisa at Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa't isa. Ano mang Bukod dito biyaya ng Diyos ang ating pamilya kaya patuloy mong ingatan. problema ang dumating kailangang mapanatiling buo at matatag ang pamilya.
Paksang diwa:
3.Napakahalaga ng bitamina A sa ating katawan. Ito ang tumutulong upang lalong luminaw ang ating mata. Ang kakulangan sa bitaminang ito ay maaaring magdulot ng paglabo ng paningin. Ang mga pagkain na mayaman sa bitamina A ay atay (manok o baka,) itlog, gatas, keso, mga luntian at dilaw na gulay at prutas.
Paksang diwa:
4.Ang Kawanihan ng Rentas Internas ay ang sangay ng pamahalaan na namamahala sa pangongolekta ng buwis ng mga mamamayang may hanapbuhay. Bawat manggagawang Pilipino ay may tungkuling magbayad ng kaukulang buwis. Ang buwis na ibinabayad ay ginagamit na pondo ng pamahalaan sa pagpapaganda at pagpapaunlad ng ating bansa.
Paksang diwa:
5. Ang niyog ay may karaniwang taas na 6 na metro o higit pa. Natatangi ang niyog sa lahat ng mga puno sapagkat bawat bahagi nito ay maaari ring sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo at iba pa. Maaari itong makuhanan ng langis, mga sangkap sa lutuin at materyales na kahoy.
Paksang diwa:
Share
Answer:
1. Ang mga pilipino ay malikhain sa iba't ibang larangan
2. Ang kahalagahan ng pamilyang pilipino
3. Magandang dulot ng bitamina A
4. Ang pagbabayad ng buwis
5. Kahalagahan ng niyog
Explanation:
Hope it's help
#Carry on learning
Pa brainliest po:)