Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Ibuod gamit ang pangunahin at pantulong na kaisipan. Gawing gabay ang rubrik sa iyong pagbubuod.
Yaman ng Zambaleño!
ni Camille A. Barnachea
Lipay National High School
Sa Gitnang Luzon matatagpuan ang probinsya ng Zambales na isa sa mga madalas na dinarayo ng mga turista dahil sa taglay nitong mga likas na yaman at kamangha-manghang mga tanawin. Isa na rito ang naggagandahang mga dagat na talaga namang nakahahalina dahil sa malinaw at malinis nitong tubig. Una na rito ang Potipot Island. Matatagpuan ito sa bayan ng Candelaria. Ang islang ito ay nagtataglay ng pino at puting buhangin na talaga namang tunay na kahali-halina.
Sa probinsya ring ito matatagpuan ang isa sa mga madalas puntahan ng mga tao, ang Sagrada Familia Cave sa bayan ng Sta. Cruz. Ang kuwebang ito ay tanyag sapagkat ito ay may angking kagandahan dahil sa mga makikinang at kaakit-akit na mga rock formation sa loob nito.
Samantalang sa bayan ng Palauig matutunton ang pinakamataas na bundok sa Zambales, ang Mt. Tapulao. Ang bundok na ito ay madalas na puntahan ng mga tao sapagkat ito ay nagtataglay ng angking kagandahan at may mababang temperatura.
Bantog din ang iba’t ibang pasyalan sa lalawigan tulad ng Camp Kainomayan at Mt. Pinatubo sa Botolan. Ang Camp Kainomayan ay isa sa mga lugar na dinarayo sapagkat maraming mga aktibidad na maaring gawin dito. Sa katunayan, dito idinaos ang nakaraang 17th National Jamboree ng Boy Scout of the Philippines. Ang probinsyang ito ay mayaman din sa produktong pang-agrikultural tulad ng palay, isda at ang ipinagmamalaking matamis na mangga.
Sagana rin ang kabundukan ng Zambales pagdating sa yamang mineral. Kabilang dito ang chromite at nickel na inaangkat ng ibang bansa. Dahil dito, naging pangunahing kabuhayan ng karamihan ang pangingisda, pagsasaka at pagmimina.
Hindi rin mawawala rito ang mga kulturang napagyaman na ng panahon. Ang pagdiriwang ng mga kapistahan at Santacruzan ay masasalamin din sa lalawigan. Mga tradisyong hanggang sa ngayon ay makikita sa kani-kaniyang bayan. Mga ugaling namana mula sa mga ninuno katulad ng pagmamano at paggamit ng po at opo ay nakasanayan na ng mga Zambaleño. Ang pagiging palakaibigan ng mga tao dito ay siyang nakaanyaya upang pahalagahan ang malaparaisong lugar na ito.
Share
Answer:
sorry hindi ito sagot
napadaan lang ako dahil kailangan ko ng points pero sana may tumulong sayo