Panuto: Basahin ng mabuti ang mga katanungan at piliin ang pinakawastong sagot. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang.
___1.“ Man is an insatiable being” ito’y nangangahulugang hindi matatapos kailaman ang pangangailan tao. Subalit
hindi naman nakakasapat ang kanyang yaman para matugunan ito kaya kinakailangan niyang ibahagi ang
kanyang yaman sa maayos na pamamaraan. Ano ang katawagan para dito?
A. Distribusyon B. Alokasyon C. Administrasyon D. Globalisasyon
___2. Ang alokasyon ay isang paraan upang tugunan ang suliranin ng kakapusan.Bakit isang mahalagang salik ng
matalinong pagdedesisyon ang alokasyon?
A. Ito ang nagiging sagot ng tao upang maayos na matugunan ang ating pangangailangan sa kabila ng limitadong pinagkukunan.
B. Ito ang naidadahilan ng tao upang higit na mapabilis ang pagbibigay ng mga produkto at serbisyo na kinakailangan ng kumunidad.
C. Ito ang ginagamit ng tao upang higit na mapag-aralan ang tunay na kalagayang pang-ekonomiya ng isang pamayanan at makapabigay ng tamang sulusyon dito.
D. Ito ang ginagamit upang higit na maunawaan ang mga suliraning pang-ekonomiko ng mga pamayanan at matugunan ang mga suliranin sa pangangailangan ng tao.
___3. Ang ekonomiks ay hindi lamang nakatuon sa indibidwal na desisyon ito ay isa ring panlipunan na desisyon,
samakatuwid ang mga prosesong pang-ekonomiko ng isang indibidwal ay gagawin din ng isang lipunan. Isa sa
mga prosesong ito ay ang paggamit ng pinagkukunang yaman. Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at
paglinang ng lahat ng pinagkukunang- yaman ng bansa?
A. Upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito.
B. Upang mas lumaki ang kita ang ekonomiya ng ating bansa at ng mamamayan nito.
C. Mas mapalawig ang yamang-likas ng isang bansa na kagaya ng ating bansa.
D. Nararapat itong bigyang pansin dahil sa katotohanang may kakapusan na umiiral.
___4. Ang bawat lipunan ay nagdedesisyon ukol sa kung paano gagamitin ang kanilang pinagkukunang yaman.Ang
mga gawaing ito ay nakapaloob sa konsepto ng sistemang pang-ekonomiya. Alin sa sumusunod ang mithiin ng
bawat sistemang pang-ekonomiya?
A. Mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng bansa.
B. Makamit ng bansa ang pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan mula rito.
C. Makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung paano episyenteng magagamit ang pinagkukunang-yaman ng bansa.
D. Matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
___5. Upang makabuo ng tamang alokasyon kinakailangang sagutin ng mga sistemang pangekonomiya ang mga
pangunahahing katanungang pang-ekonomiya. Sa sitemang malayang kalakalan, sino ang sumasagot sa mga
pangunahing katanungang pang-ekonomiya?
A. Pamahalaan B. Pribadong indibibwal C. Tradisyon ng Pangkat D. Pamayanan
Share
Answer:
1. b
2.a
3.a
4.d.
5.a
thank you