PANUTO: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang letra ng wastong sagot.
1. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng kulturang
kinakitaan ng organisadong pamahalaan, kabuhayan, relihiyon, mataas na antas
ng teknolohiya, at may sistema ng pagsulat?
a. imperyo
b. kalinangan
c. kabihasnan
d. lungsod
2. Anong pamamaraan o paghahanda ang ginawa ng mga kabihasnang umusbong
sa Asya upang hindi sila magapi ng hamon ng kalikasan tulad ng pagbaha at
malakas na pag-ulan?
a. Nagtatanim sila ng malalaking puno sa tabi ng ilog
b. Nagtatayo sila ng mga dike at nagtatanim ng malalaking puno at inaayos ang
mga daluyan ng tubig upang hindi pumasok sa kanilang pamayanan
c. Nagtayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaaring sumira sa
kanilang lupain kapag tag-ulan
d. Nagtago sila at bumabalik sa kanilang kuweba kapag tag-ulan
3. Bakit naging mahalaga ang calligraphy o sistema ng pagsulat ng mga Tsino?
a. Pinagbatayan ng kanilang pamumuhay.
b. Pinakamahalagang ambag ng kabihasnang Shang.
c. Agad nila itong naintindihan
d. Nagsilbing tagapag-isa ng mga Tsino
4. Ang mga sinaunang kabihasnang umusbong ay nagkaroon ng paniniwala sa
maraming diyos na tinawag na:
a. Animismo
b. Paganismo
c. Monoteismo
d. Politeismo
5. Sa paglipas ng panahon, anong kabihasnang ang unti-unting nawaglit sa alaala
at nawala sa kasaysayan?
a. Indus
b. Sumer
c. Egypt
d. Shang
6. Ang taunang pagbaha ng ilog na ito ay kumikitil ng maraming buhay.
a. Yellow River b. Indus River
c. Euphrates River d. Tigris River
7. Nagsilbing bantayog ng kapangyarihan ng mga pharaoh at naging libingan
ng mga ito.
a. Nomarch
b. Pyramid
c. Chariot
d. Satrap
8. Sila ang mga iskolar na nag-aaral sa kasaysayan ng Egypt.
a. Nomarch
b. Pyramid
c. Chariot
d. Egyptologist
Share
Answer:
1.b
2.d
3.c
4.c
5.a
6.b
7.c
8.a