Panuto: Basahing mabuti ang bawat teksto at bilugan ang titik ng angkop na
pamagat
1. Ang pamilya ay isang importanteng bahagi ng ating lipunan, dito nabubuo ang mga
bagay na mahalaga sa atin, angating ambisyon at pangarap.
a. Ang Pamilya
b. Ambisyon c. Pangarap
2. Si Mang Doming ang nag-iisang kutsero sa aming lugar. Wala siyang sawang
pumapasada. Ito ang ikinabubuhay ng kaniyar g pamilya.
a. Ang Kutsero
b. Si Mang Doming c. Hanapbuhay
3. Si Abie ay dumalaw sa bakuran ni Aling Mimay, may ibat-ibang tanim dito. Masaya siya
sa nakitang kasaganaan sa paligid dahil sa sariling sikap ng mag-anak.
a. Si Abie
b. Sariling Sikap c. Ang Bakuran
4. Ang paghuhugas ng kamay ay mahalaga upang mapanatiling malusog ang ating sarili
at upang maiwasan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit.
a. Kahalagahan ng Paghuhugas ng kamay b. Nakahahawang sakit
c. Malusog na katawan
5. Ang niyog ay natatanging puno sapagkat mula puno hanggang ugat ay
napakikinabangan ito, kaya ito ay tinaguriang puno ng buhay.
a. Ang Niyog b. Natatanging Puno
c. Niyog: Puno ng Buhay
Share
Answer:
1.a
2.a
3.c
4.a
5.c
para sa'kin iyan ang tamang pamagat,it's up to you naman kung gagayahin mo.thanks