Panuto: Bilugan ang wastong pang-uri sa panaklong na bubuo sa diwa ng pangungusap.
1. Huwag mong hilahin pababa ang palda mo. (Maikli , Makipot , Maliit , Masikip) talaga iyan.
2. (Malawak , Matayog , Malapad , Mataas) ang pag-unawa niya kaya ako’y hindi natatakot humarap sa kanya.
3. Nalulugod ang Panginoon sa mga batang (matapang , malakas , mapagkumbaba , masikap) at hindi sa mga mayayabang o mga palalo.
4. (Makinang , Makislap , Makintab , Maliwanag) ang sahig ng kanilang tahanan lalo na kung katatapos lang nitong bunutin.
5. (Maganda , Masikap , Mabait , Magalang ) ang batang gumagamit ng po at opo sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda.
6. Kailangan natin ang (mabagsik , matapang , mabangis , matibay) na sundalo.
7. (Masansang , Mahalimuyak , Mabango , Masakit) sa ilong ang pabango ng dalaga na nakahihilo kung maaamoy mo.
Share
Answer:
1. Maikli
2. Malawak
3. Mapagkumbaba
4. Makintab
5. Magalang
6. Matapang
7. Masansang