Panuto: Isulat ang titik K kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan. Isulat ang O kung ito ay isang opinyon.
1. Sa makabagong panahon ngayon na tinatawag na computer age hindi na nakapagtataka na maging ang batang paslit ay karaniwang makikita kahit saan na may hawak na cellphone, tablet o dili kaya’y nakatutok sa mga laro sa computer.
2. Ayon sa mga dalubhasa, ang modernisasyon ay isang baitang ng pagpapaunlad ng ekonomiya na tinatampukan ng pagsulong ng mga makabagong teknolohiya.
3. Sa aking palagay mas higit na mahusay ang computer kaysa sa tao.
4. Handa na ang mga Pilipino na sumabay sa hamon ng pagbabagong hatid ng bagong milenyo.
5. Siguro, iasa na lamang ang anumang gawain o trabaho sa mga makabagong teknolohiya upang hindi na tayo mahirapan pa.
6. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na unti-unting umuunlad ang turismo ng ating bansa.
7. Para sa akin, ang mga basurero ang pinakamahalagang katuwang sa pamayanan.
8. Matigas ang bato.
9. Mas masarap na kapatid ang babae kaysa sa lalaki.
10. Sinakop ng mga amerikano ang Pilipinas.
11. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala sa isa’t isa.
12. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng isang tao na may takot sa Diyos.
13. Kung ako ang tatanungin, mas masarap tumira sa probinsya kaysa sa Maynila.
14. Sang-ayon ako sa mga panukalang ipinatutupad sa ating lungsod upang maiwasan ang kumakalat na sakit.
15. Lahat ng imbensyon ay nakabubuti sa buhay ng tao.
Share
Answer:
Explanation:
Please do correct me if may mali akong sagot :>