Panuto: Isulat sa hanay b ang mga pamamaraan na maaari mong magawa upang mapabuti mo ang pakikipag-ugnayan sa kapwa na nasa hanay a itala naman sa hanay si kung kanino mo nais ibahagi ang iyong pamamaraan.
Share
Panuto: Isulat sa hanay b ang mga pamamaraan na maaari mong magawa upang mapabuti mo ang pakikipag-ugnayan sa kapwa na nasa hanay a itala naman sa hanay si kung kanino mo nais ibahagi ang iyong pamamaraan.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Verified answer
Answer:
1. Sa hanay A kung aking nararamdaman na ako ay naabuso na ng aking kaibigan sa tuwing kami ay magkasama ay kakausapin ko siya sa maayos na paraan. Mas mabuting maipabatid ko sa kanya ang aking nararamdaman upang mapagusapan namin ito at mabigyang linaw. Marahil sa kanya ay di ganun ang dating kung kaya't mas mahalaga na mapalawak namin ang komunikasyon namin.
2. Palagi akong sinisisi ng aking kapatid sa mga bagay na di ko ginawa- Sa aking palagay ay mas mabuting kausapin ko siya ng mabuti. Tatanungin ko siya bakit niya ako sinisi kahit wala naman akong ginawa. Sasabihin ko sa kanya na kung sa kanya ko gawin yon ano kaya ang kanyang mararamdaman. Marahil siya ay masasaktan at malulungkot din kung kaya't mas mabuting mapag-usapan namin ng maayos upang eto ay di lumala.
3. Hindi ako sangayon sa aking ama ngunit ako ay napipilitan sumang ayon sa kanya dahil takot ako sa kanyang reaksyon- kakausapin ko ang aking ina, dahil alam ko na ang aking ina ay mas makatwiran. Aking ilalahad ang aking nararamdaman at ang aking takot upang siya ang maging tulay sa aking ama upang mapabatid ang aking dinaramdam.
4. Sinasagot ko ng pabalang ang aking guro - Ako ay hihingi ng paumanhin. Kakausapin ko ang aking guro sa aming break time kung saan kami lang dalawa at ako ay magsosorry sa aking mga nagawa o nasabi at mangangakong na di ko na ito uulitin at aking napagtanto na ako ay mali.
5. Palagi kong iniiwasan ang aking ina kapag ako ay napagsasabihan - hahanap ako ng magandang tiyempo kung kailan ko siya pwedeng kausapin. Sasabihin ko sa kanya ang aking mga nararamdaman upang kami ay magtagpo. Marahil ay mayroon lamang kaming mga hindi pagkakaintindihan. #BrainlyFast
Sa lahat ng ito-walang ibang dapat gawin kundi ang makipag usap sa mga taong nakakasalamuha. Ang komunikasyon ay napakaimportante para malahad natin ang ating mga nararamdaman.