PANUTO: Lumikha ng isang tula na may dalawang saknong tungkol sa
kabayanihang ipinakita ng mga Pilipino sa panahon ng mga Espanyol at bigyan
ito ng pamagat.
pa help po
thanks po
Share
PANUTO: Lumikha ng isang tula na may dalawang saknong tungkol sa
kabayanihang ipinakita ng mga Pilipino sa panahon ng mga Espanyol at bigyan
ito ng pamagat.
pa help po
thanks po
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Michael M. Coroza
Sa tuwing maaanyayahan akong magsalita tungkol sa pagsulat ng tula, mahalagang
itinatanong ko sa mga nakakaharap ko kung ano o sino na ang kanilang nabasa. Dahil tulad ng
alinmang larang o disiplina, kailangan sa pagtula ang sapat na kaalaman at kasanayan sa teorya
at praktika nito. Tulad ng isang manlilikha o kompositor ng awit na nagkagiliw o naaliw muna sa
pakikinig sa maraming awit na likha ng iba, tiyak na naakit o natuwa muna sa tula ng kung
sinong makata ang isang nagsusulat ng tula. Napakahirap isipin na basta na lamang nagigising na
isang makata o naghahangad nang tumula ang sinuman.
Nakasalalay, kung gayon, sa husay at sigasig ng guro sa panitikan ang pagkalinang ng
interes sa pagtula ng mga mag-aaral. Sa konteksto ng modernong pamumuhay, sa mga klase sa
literatura unang nagkakaroon ang mga bata ng pormal na pag-aaral ng tula. Aspektong panganyo o teknikal ng tula ang tinutukoy ko sa paggamit ng salitang pormal, hindi simpleng
sitwasyon o paraan ng pag-aaral.
Sa higit na mababang antas, dapat lamang asahan na unang natutuon ang pansin ng pagaaral ng tula, at ng anumang anyo ng panitikan sa pangkalahatan, sa moral lesson. Madalas nga,
nauuwi ang lahat ng pag-uusap tungkol sa isang akda sa pagtiyak ng mensaheng ibinabahagi ng
awtor. Dahil may bahagi sa mga lesson plan ng guro na nagtatakda na dapat ay may gawin ang
mga mag-aaral bilang katibayan ng pagkatuto, madalas na pinasusulat din ang mga bata ng tula o
sanaysay bilang reaksiyon o tugon sa akdang pinag-aralan.
Wala akong nakikitang masama rito. Dahil sa inspirasyong nakuha sa akdang binasa,
naaakit ang mag-aaral na magsulat din ng sarili niyang akda. Ngunit may isang problema. Kung
aral ng tula ang pinag-usapan sa klase, bakit tula ang ipagagawang aktibidad sa mag-aaral? Hindi
ba dapat ay aplikasyon sa buhay ng natutuhang aral ang dapat na gawin nila? Bakit patutulain
ang mga bata? Tinuruan ba sila kung paano tumula? Iba ang pagkabatid sa aral kaysa sa
pagkatuto ng proseso ng pagtula.
Sa madali’t salita, kung patutulain natin ang mga bata sa klase sa Filipino o Literatura,
dapat lamang na tinuruan muna sila kung paano ba tumutula. Hindi sapat na nakuha nila at
nagandahan sila sa aral ng isang tula para makasulat na rin sila ng tula. Maraming dapat
matutuhan sa proseso ng pagbuo ng tula. Hindi ba makatarungan lamang na kung ano ang
itinuro, iyon ang asahang alam ng bata? Kung moral lesson ang alam, baka homiliya o sermon
ang dapat asahang magagawa nila. Ibang-ibang hayop ito kaysa sa tula.
Sa panayam na ito, pagtutuunang pansin ang para sa akin ay tatlong pangunahing
pangangailangan para sa pagsulat ng tula sa wikang Filipino, na dapat taglayin ng mga mag-aaral
sa hayskul man o kolehiyo bago sila patulain. Una, kamalayan sa tradisyon; ikalawa, pagiging
bukas sa impluwensiya; at ikatlo, pagpapasok ng inobasyon. Nasa pagtupad sa mga
pangangailangang ito, at nasa dinamikong inter-aksiyon ng mga ito, ang ikapagtatagumpay ng
isang matulaing proyekto.