Panuto: Mag-isip at gamitin ang pangkat ng tugma upang makapagsulat ng tula. Isa Hanggang dalawang saknong lamang na may buong diwa.
Unang pangkat: Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s
Ikalawang pangkat: Mga salitang nagtatapos sa l, m, n, ng, w, r, y
Halimbawa:
0. nakukulong
ngayon
Sa lungkot nakukulong
Nawa magwakas na ito ngayon
1. __________
__________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
2. __________
__________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
3. __________
__________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
4. __________
__________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
5. __________
__________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
Share
Verified answer
Answer:
Sa Huling Silahis
ni: Avon Adarna
1
Inaabangan ko doon sa Kanluran,
Ang huling silahis ng katag-arawan,
Iginuguhit ko ang iyong pangalan,
Sa pinong buhangin ng dalampasigan.
2
Aking dinarama sa hanging habagat,
Mga alaala ng halik mo’t yakap,
Sa bahaw na simoy ng pagkakasangkap,
Ay nagdaang samyo ng iyong paglingap.
3
Ginugunam-gunam, sinasaklit-anyo,
Ang iyong larawan at mga pagsuyo,
Ang lungkot ng diwa’t dibdib pati puso,
Sa kutim na ulap nakikisiphayo!
4
Sa pag-aagawan ng araw at buwan,
At pagkapanalo nitong kadiliman
Ay nakikibaka ang kapighatian,
Sa pangungulila sa iyong pagpanaw.
5
Ang iyong pag-iral, hindi na babalik,
Kahit na ako’y lubos na tumangis
Pag-ibig na lamang na igting na nais
Ang makakapiling sa huling silahis.
Answer:
Ito ay naglalaman ng kumpletong mga mungkahing gawain para sa bawat aralin at mga estratehiya na maaring gamitin ng guro sa kaniyang pagtuturo. Ang bawat gawain sa isang aralin ay nakabatay sa limang araw na pagtuturo sa loob ng 50 minuto bawat sesyon. Inaasahan na ang gabay na ito na makatutulong sa guro ang paggamit nito. Gayundin, hinihikayat na higit na pagyamanin ng mga guro ang mga mungkahing gawain na nakapaloob dito upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang mga aralin. Modyul Para sa Sariling Pagkatuto I. Gabay sa Pagtuturo Panimula at mga Pokus na tanong Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap ng Para sa Kabuuan ng Modyul 1 Modyul 1 Nakapaloob sa bahaging ito ang Pamantayang Pangkalahatan na pinagbatayan ng mga araling saklaw ng Modyul 1- Salamin ng Kahapon… Bakasin Natin Ngayon.