Panuto: Manuod ng isang pelikula, teleserye o kaya y balita. Iulat anv kaganapan tungkol sa inyong napanuod.
@Jahcxxchan
Non sense=Report
Share
Panuto: Manuod ng isang pelikula, teleserye o kaya y balita. Iulat anv kaganapan tungkol sa inyong napanuod.
@Jahcxxchan
Non sense=Report
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
PAG-ULAT NG KAGANAPAN
Panuto: Manuod ng isang pelikula, teleserye o kaya ay balita. Iulat ang kaganapan tungkol sa inyong napanuod.
=====
╔════════≪ °❈° ≫════════╗
Pamagat: Online Class: Pagsasakripisyo Para sa Edukasyon
Ayon sa aking napanood, ang balita ay patungkol sa isang estudyanteng umakyat sa bundok para makasali sa online class. Sa balitang ito ay marami ang naging kaganapan. Ang mga kaganapan dito ay tulad ng hirap ng paglalakbay ng isang estudyante mula sa kanilang tahanan paakyat ng bundok na inaabot ng isang oras. Isa pang kaganapan ay ang paglahok sa virtual meetings ng estudyante upang matuto ng aralin. Hindi alam ng guro ang pagsasakripisyong ginagawa ng estudyante niya ngunit nalaman niya ito nang magpaalam ang kaniyang estudyante sa gitna ng online class, at sinabing mag- charge muna ito. Nagtaka ang guro ngunit nang magpaliwanag ang estudyante ay natutunan niya ang paghihirap na dinadanas ng kaniyang estudyante para mapag-aral nang mabuti. Natuklasan ng guro na ganoon din ang dinadanas ng iba pa niyang estudyante kaya't agad siyang naluha at ibinahagi ito sa social media kung saan marami ang naantig at sumuporta sa mga kabataang ito. Nakatanggap ng tulong ang mga estudyante ng iba't ibang materyales na kanilang magagamit para sa pag-aaral.
Sa aking napanood, hindi lamang kaganapan ang aking maiuulat ngunit kasama na doon ang mga aral na mapupulot dito. Maaaring mahirap nga ang ating dinadanas bilang mga estudyante sa gitna ng pandemya ngunit ang aral dito ay huwag sumuko at manatiling matatag upang matuto ng kaalaman. Maraming pagsubok na dadating ngunit ang pag-aaral ay isang mahalagang pamana na hindi dapat sinusukuan. Patuloy lamang tayo sa pagsisikap at makukuha natin ang gantimpalang nararapat sa atin sa pagtapos ng mga pagsubok sa buhay.
╚════════≪ °❈° ≫════════╝
#CarryOnLearning