panuto: piliin ang letrang may paksang pangugusa sa mga sumusunod na seleksyon
_____1. (a). Iniiwasan ng mga taong bumili (b) ng pagkaing galing sa dagat
dahil sa red tide (c) Naglalabas ng mga mababahong kemikal ang pabrika sa
ilog (d) kaya maraming namamatay na isda at iba pang yamang tubig sa ilog at
dagat.
_____2. (a) Masarap tirahan at pasyalan ang paligid na maganda at malinis. (b)
Walang sakit na lalaganap (c) kapag sariwa at malinis ang hangin (d) Bihira
ang nagkakasakit sa bawat tahanan at malayang nakakapamasyal ang mga
tao.
_____3. (a) Maraming kapakinabangang dulot ang bukal ng Tiwi. (b)
Kahanga-hangang tanawin ang bukal na ito na nasa lalawigan ng Albay. (c)
Ito ay isa sa napagkukunan ng lakas-geothermal sa bansa. (d) Marami ang
dumarayo rito upang mkapamasyal at makita ang iba’t ibang tanawin sa
bansa.
_____4. (a) Masustansyang pagkain ang gatas. (b) Ito ay kinapapalooban ng
protina na kailangan ng ating katawan (c) upang tumibay ang buto at ngipin.
(d) Ito rin ay may bitamina at mineral na kailangan ng ating mga mata, dugo at
balat.
_____5. (a) Ang mga mabilis na sasakyan ay madalas makasagasa sa mga taong
tumatawid sa daan. (b) Ang mga lubak at hindi pantay-pantay na daan ay
nagdudulot ng pagkatalisod o pagkadapa ng mga taong dumaraan. (c) Ang mga
kalat ay nagdudulot din ng pagkabalam sa mga motorista. Ang mga batang
ngalalaro sa kalsada ay maaaring mahagip ng sasakyan (d) Maraming sakuna
ang maaaring maganap sa kalsada sa araw- araw.
_____6. (a) Kung hindi naaarawan ang halamang kinakain ng mga hayop ay
hindi ito makagagawa ng pagkain upang mabuhay. (b) Tayo rin ay may
bitaminang nakukuha mula sa araw. (c) Kadalasan, tayo ay nakalilimot na sa
kahalagahan ng araw sa ating katawan. Ang init na kailangan natin sa ating
katawan ay mula sa araw. (d) Ito ang kahalagahan ng araw sa paggawa sa
araw-araw.
_____7. (a) Si Lorna ay mahilig maglakbay (b) Apat na taon na ang nakararaan
ay nagpunta siya sa Japan, ang lugar na tinaguriang “Land of the Rising Sun”.
(c) Noong nakaraang taon ay inanyayahan siya ng kanyang mga kamag-anak
sa London at sa Canada. (d) Sa taaong ito nakatakda siyang umalis.
_____8. (a) Magagaliting tao si Jhun. (b) Palagi siyang nakabulyaw sa kaunting
pagkakamali lamang ng kanyang anak. (c) Kapag hindi masarap ang inihain na pagkain ay galit din sya. (d) Kapag hindi mo napagbigyan sa kanyang gusto
ay matalim na kanyang mga mata at ito’y galit na.
_____9. (a) May kanya-kanyang paraan ang mga magulang sa paghubog at sa
pagmamalaki ng kanilang mga anak. (b) May mga magulang na mapagpalayaw
at sinusunod ang kapritso ng mga anak (c) May mga maunawain at inuunawa
ang problema ng mga anak (d) Mayroon namang ubod nang higpit dumisiplina
ng anak.
_____10. (a) Tandang-tanda ko pa ang bukirin nina lolo at lola sa nayon.
Maraming punongkahoy at iba’t ibang pananim doon. (b) Malalim at malamig
ang paligid (c) Sagana sa prutas at gulay ang bukirin nina lola at lola (d) kaya’t
kaming mga apo ay madalas magbakasyon doon.
Share
Answer:
1 A 2 A 3 B 4 C 5 C 6 D 7 B 8 D.9 A 10 A
Explanation:
SANA MAKA TULONG