Panuto: Piliin sa sanaysay ang mga salitang naglalarawan (pang-uri) at tukuyin ang antas
ng paglalarawan nito (Lantay, Pahambing, Pasukdol). Lima lamang ang ibibigay. (10 puntos)
Halimbawa: maganda - lantay
Nagkakaiba, Nagkakapareho sa Maraming Aspekto
Isa ang India sa mga bansang nasa Timog Asya. Hindi lingid sa karamihan na ang bansang
ito ay may napakaraming tradisyon. Halos sa loob ng apat na libong taon ay tila hindi nagbago
ang mga kinagisnang tradisyon ng mga Hindu. Ang mga ito ang pumukaw sa interes ng mga
dayuhang manlalakbay. Nagtatanong, nagtataka kung ano nga ba ang ibig sabihin ng mga ito.
Halimbawa, ang Namaskar o Namaste ay ang pinakatanyag na uri ng pagbati ng mga Hindu. Ito
ay parehong isinasagawa kapag bumabati sa pagdating o kaya ay namamaalam. Pinagdaraop
nila ang kanilang dalawang palad at inilalagay sa ibaba ng mukha.
Samantala, kabilang naman sa Silangang Asya ang bansang Singapore. Iba-iba ang
nasyonalidad at kultura ng mga naninirahan sa bansang ito subalit lahat ay may kalayaan sa wika
at sa relihiyon upang magkaroon ng pagkakaisa. Iginagalang ng bawat isa ang paniniwala ng iba
kaya’t kahit magkakaiba ang paniniwala ng mga Singaporean, hindi ito naging hadlang sa
kanilang pag-unlad. Sa halip na magkawatak-watak, humanap sila ng paraan upang makita ang
magagandang katangian ng kanilang kultura para mapaunlad pa ang kanilang bansa. Bukas na
bukas sa pagbabago at kaunlaran ang bansang ito kaya maraming dayuhan mula sa
mayayamang bansa ang nangangalakal dito kahit pa mahigpit ang pagpapatupad ng kanilang
mga batas dito. Mahigpit na sinusunod ng lahat ang mga batas maging ng mga mamamayan o
ng mga dayuhan man.
Sadyang mabilis ang pagsulong ng kaunlaran sa bansang ito. Idagdag pa ang
katotohanang isa ito sa mga sentro ng teknolohiya. Sa dalawang bansang nakapaloob dito,
maaaring may mas nakahihigit sa kanilang mga katangian bilang isang bansa. Maaaring pareho
sila sa ibang bagay subalit may mga pagkakaiba. Halimbawa, higit na mas mabilis ang pag-unlad
ng isa sa isa, lalong maraming tradisyon ang isa sa isa, parehong maunlad sila pagdating sa wika,
at pareho itong kabilang sa bansang Asya. Nagkakaiba man sa maraming bagay, nagkakatulad
naman sa ibang aspekto.
mark ko as brainlyiest Pag maayos sagot nyo
Share
Answer:
magkawatak-watak - pasukdol
mas mabilis - pahambing
maunlad - lantay
mas nakahigit - pahambing
mapaunlad - lantay
mayayamang - lantay/pasukdol
mahigpit - lantay
Explanation:
sorry po yan lang po alam ko eh
but Sana po nakatulong po sa inyo
and thx for your points
MARK ME BRAINLIST