Panuto. Pilliin ang angkop na salita na maaaring ipalit sa mga salitang nasa loob ng panaklong.
1. Kahit anong pigil ng mga magkakapatid ay dinig na dinig pa rin ang kanilang (pigil na pagtawa) sa loob ng kanilang silid.
a. pagaspas
b. hagikgik
c. saya
2. Palaging suot ni lola ang ibinigay kong (maluwag na kasuotang pang-ibaba) sa kaniya.
a. saya
b. palda
c. bestida
3. (Nagitla) ang mga bata nang makarinig sila ng malalakas na kulog.
a. Natakot
b. Natuwa
c. Nagulat
4. (Urong-sulong) ang pagpapasya niya ng paaralang papasukan niya sa kolehiyo kaya nagalit ang kanyang nanay.
a. Hindi sigurado
b. Tiyak
c. Sigurado
5. Muntik na siyang mabangga ng (matulin) na sasakyan.
a. mabagal
b. mabilis
c. hindi gumagalaw
6. Ang aking tiyahin ang (humalili) sa aking nanay bilang may-ari ng tindahan.
a. pumalit
b. nagtanggal
c. nagluklok
7. Huwag nating (aksayahin) ang mga likas-yamang ipinagkaloob sa atin ng ating Maykapal.
a. tipirin
b. sayangin
c. ubusin
8. Nais niyang (sumangguni) sa doktor dahil sa kanyang karamdaman.
a. humingi ng payo
b. makipagkwentuhan
c. makipag-usap
9. (Tampulan) pa rin sa balita ang pagdami ng kaso ng CoViD-19 lalo na’t dumami na rin ang apektado sa bagong variant.
a. Katatawanan
b. Pinag-uusapan
c. Ipinagbabawal
10. Nangunguna sa mga (tagubilin) ng aking nanay ang pag-aaral nang mabuti upang madagdagan ang aking kaalaman.
a. payo
b. pakiusap
c. utos
Share
Answer:
1.c
2.a
3.c
4.c
5.b
6.a
7.b
8.c
9.a
10.a