Panuto: Punan ng angkop na pang-uri ang patlang sa salaysay. Piliin ang tamang sagot sa kahon. Isulat ito nang WASTO sa patlang sa kasunod na pahina at gamitan ng –ng kung kinakailangan.
mahigpit mayaman mabigat mabilis
mahaba mahalaga malawakan masisipag
Ang Ilog Pasig ay isang ________________ ilog na nagdurugtong mula sa Laguna de Bay patungong Look ng Maynila. Noong panahon ng Kastila, ito ay isang
_______________ ilog para sa kalakalan at industriyalisasyon. Ngunit dahil sa pagpapabaya, ang ilog na ito ngayon ay patay na. Kailangan ang mas ________________ na batas sa pagpapatira malapit sa ilog na ito.
Maililigtas pa rin natin ang Ilog Pasig sa pamamagitan ng _________________ na pag-aksyon. Huwag sanang ningas-kugon ang gawain sa pagsagip ng ilog na ito. Kailangan pa ng ________________ na mga tao para tumulong sa pagsagip nito. Pero sa ________________ pagtutulungan, maaari pang maisalba ang Ilog Pasig. ________________
Ang pagliligtas ng ating mga ilog ay _________________ na responsibilidad nating lahat. Tandaan natin na ang Ilog Pasig ang isa sa saksi ng ating _________________ kasaysayan.
Share
Answer:
Ang Ilog Pasig ay isang (1) mahabang ilog na nagdurugtong mula sa Laguna de Bay patungong Look ng Maynila. Noong panahon ng Kastila, ito ay isang (2) mahalagang ilog para sa kalakalan at industriyalisasyon. Ngunit dahil sa pagpapabaya, ang ilog na ito ngayon ay patay na. Kailangan ang mas (3) mahigpit na batas sa pagpapatira malapit sa ilog na ito.
Maililigtas pa rin natin ang Ilog Pasig sa pamamagitan ng (4) mabilis na pag-aksyon. Huwag sanang ningas-kugon ang gawain sa pagsagip ng ilog na ito. Kailangan pa ng (5) masisipag na mga tao para tumulong sa pagsagip nito. Pero sa (6) malawakang pagtutulungan, maaari pang maisalba ang Ilog Pasig. ________________
Ang pagliligtas ng ating mga ilog ay (7) mabigat na responsibilidad nating lahat. Tandaan natin na ang Ilog Pasig ang isa sa saksi ng ating (8)mayamang kasaysayan.
Correct me if I'm wrong.