PANUTO: Sumulat ng isang maikling talata kung saan ay maipakikita ang mapanuring pag-iisip Sa temang “ Covid 19". Dito na isulat ang iyong kasagutan.
Share
PANUTO: Sumulat ng isang maikling talata kung saan ay maipakikita ang mapanuring pag-iisip Sa temang “ Covid 19". Dito na isulat ang iyong kasagutan.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Verified answer
Ang Covid 19 ay isang sakit na dulot ng isang virus na tinatawag na corona virus SARS-Cov2. Pangunahing naaapektuhan ng virus na ito ang baga ng isang tao na siyang nagsisilbing daanan ng hangin upang makahinga tayo. Walang pinipili ang virus na ito, mapabata, matanda, mayaman o mahirap man.
Saan nga ba nagmula ang SARS-Cov2?
Ayon sa mga ulat, ito ay unang natuklasan sa China at sinasabing nagmula sa mga hayop. Pero hanggan ngayon ay palaisipan pa rin kung bakit ito nakahawa sa mga tao. Iba-ibang klase na ng Covid-19 virus ang natuklasan sa pagdaan ng dalawang taon. Mayroon na ding iba't ibang klase ng virus ang pinaniniwalaang nakakaapekto sa mga tao. Ilan sa mga ito ang delta, omicron at iba pa.
Anu-ano ang mag simtomas ng Covid-19?
Ayon sa mga doktor ang kalimitang simptomas ng covid 19 ay ang sumusunod: mataas na lagnat, lumalalang ubo, hirap sa paghinga, nawawalan ng pang-amoy at panglasa at pagkakaroon ng sipon. Sinasabi ding maaring makaranas ng pagtatae, pagsusuka, pagsakit ng ulo, kalamnan, dibdib at ng tiyan. Huwag ipagsasawalang bahala kung ikaw ay nakakaranas ng kahit isa sa mga simptomas na ito.
Sa loob ng halos dalawang taon, talagang naapektuhan ng Covid-19 hindi lang ang ating bansa kundi ang buong mundo. Halos lahat ng bansa ay nakaranas ng lockdown. Bumaba ang turismo at ang pinakamasakit ay marami ang nawalan ng hanapbuhay. Sa kabila ng kaliwa't kanang pagbibigay ng bakuna lalo na dito sa ating bansa, ay hindi pa din ito bumababa at patuloy pa ding may nagpopositive. Sa ngayon ay booster shots naman ang puspusang ibinibigay sa ating mga kababayan. At maging ang mga bata na may edad 5-11 taong gulang ay binabakunahan narin. Ito ay hakbang na nagpapatunay na talagang seryoso ang ating pamahalaan na sugpuin at tuluyan ng wakasan ang virus na ito. Pero wag tayong magpapakampante kung meron ka ng bakuna. Kailangan pa rin ng masusing pag-iingat dahil hindi naman natin nakikita kung nasaan ang ating kaaway.
Upang madagdagan ang kaalaman tungkol sa COVID-19, maaaring gamitin ito:brainly.ph/question/11601904
#BRAINLYEVERYDAY