Panuto: Sumulat ng isang tekstong naglalahad sa iyong pag-unawa sa "Banta sa Eduksayon, Pagpapasiya at Pananampalataya”. Gamitin ang mga Paksa na nasa kahon sa bawat tekstong gagawin. Gawing Gabay ang pamantayan sa pagmamarka. Limang puntos sa bawat teksto.
Share
Answer:
EDUKASYON - KAHIRAPAN
—Sa aking palagay, malaki ang epekto ng kahirapan sa edukasyon lalo na ngayon pandemya. Maraming bata ang nangangarap at nais na makapag-aral ngunit nagiging hadlang lamang ang kanilang estado sa buhay. Kahirapan ang kadalasang sanhi kung bakit marami ang hindi nakakapag-aral. Pero sabi nga ng iba, "Kapag gusto may paraan. Kapag ayaw, maraming dahilan." Kung gugustuhin ng mga mahihirap na magpursige at magsumikap na makapag-aral, marahil ay malaki ang tyansa na matupad ang kanilang nga pangarap at makapagtapos pa.
PAGPAPASIYA - EMOSYON
—Para sa akin, naapektuhan ng emosyon ang pagpapasya lalo na kapag sobrang masaya o kaya naman ay galit o binalot ng poot ang isang tao, dahil maari siyang makagawa ng pagpapasiya na sa huli ay pagsisisihan niya rin. Kapag hindi nakontrol ng isang tao ang emosyon, maaapektuhan nito ang kanyang magagawang pagpapasiya. Ngunit, naniniwala ako na kung pamamahalaan natin ng maayos ang ating emosyon at pipiliing mag-isip muna bago gumawa ng hakbang, tiyak na magiging maayos at maganda ang kahahantungan ng lahat.
PANANAMPALATAYA - PANINIWALA
—Naapektuhan ng paniniwala ang pananampalataya sa pamamagitan ng "mindset." Sa makatuwid ay, nakakaapekto ito sa isipan ng isang tao. Minsan ay mas nagwawagi ang maling sistema ng pag-iisip, halimbawa na lamang ay ang katagang, "Oo palamura ako pero may kinikilala akong Diyos." Kasi kung totoong kilala mo ang Diyos at naniniwala ka sa kanya, ibig sabihin noon ay alam mo rin kung ano ang tama at mali. Hindi nakakabuti sa isang tao ang pagmumura lalo na kung ipagmamalaki pa nila na kilala nila ang Diyos. Kung totoo kasing kilala nila ang Diyos, dapat ay imbis na pagmumura o masamang impluwensya ang ipakalat, nararapat na ang ipaalam at ikalat ay ang mga salita ng Diyos.
NOTES; I don't have any bad intentions ah, opinion ko lang 'to since opinion naman yung hinihingi.