panuto:magbigay ng 5 halimbawa ng pangrelihiyong gawain at ilarawan ito.
Share
panuto:magbigay ng 5 halimbawa ng pangrelihiyong gawain at ilarawan ito.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Panrelihiyong Pagdiriwang sa
Pilipinas
Maraming panrelihiyong pagdiriwang
sa Pilipinas. Ang mga ito ay isinasagawa sa magkakaibang buwan sa bawat taon. Nagpapakita ito ng mga katangian at kaugalian ng mga Pilipino. Bukod sa mga Katoliko, ang mga Muslim ay mayroon ding mga panrelihiyong pagdiriwang. Ang pagkilala sa mga paniniwala ang mahalagang bahagi ng mga pagdiriwang na ito.
Mga Panrelihiyong Pagdiriwang, Pets. at Ritwal na Isinasagawa:
1. Mahal na Araw
2. Santacruzan
3. Ramadan 4. Pasko
5. Hari Raya Puasa
6. Pista
7. Anibersaryo
Ang Mahal na Araw ay panahon ng
paggunita at pagbabalik-loob ng mga Kristiyano sa tagapagligtas na si Hesukristo. Taon-taon, ipinagdiriwang ito upang palalimin ang pananampalataya, buhayin ang mahabang tradisyon ng mga Kristiyano tulad ng pag-aayuno at pamamanata. Nakikiisa ang mga tao sa ginawang pagpapakasakit ni Hesukristo para sa kaligtasan ng buong daigdig. Naniniwala sila na muling mabubuhay si Hesukristo at magbabalik bilang patotoo sa mga ipinangako nito sa kaniyang mga alagad at mananampalataya. Ang Mahal na Araw ay nagsisimula pagsapit ng Miyerkules ng Abo, ang araw na kinukrusan ng abo sa noo ang mga deboto bilang tanda ng kanilang
pagsisisi.
Ang Santacruzan itinuturing na isa sa
pinakakilalang pangrelihiyong pagdiriwang sa kultura ng mga Pilipino. Ang iba't- ibang parokya at mga komunidad ng mga Pilipino sa lahat ng sulok ng mundo ay nag - oorganisa upang gunitain ng Santacruzan. Ang nasabing tradisyon ay isa sa mga nagbibigay kulay tuwing sasapit ang buwan ng Mayo. Mahabang panahon ang iginugugol sa pag- oorganisa ng pagdiriwang na ito.
Ang Ramadan ay ang ikasiyam na buwan
sa Islamikong kalendaryo. Ito ang panahon ng pag-aayuno para sa mga Muslim. Sa bawat araw ng buwang ito, ang lahat ng mga Muslim sa buong mundo ay umiiwas mula sa pagkain, pag-inom, maging ang pakikilahok sa anumang likas na masama o kalabisan mula sa madaling araw hanggang sa paglubog ng araw. Ang pag-aayuno ay naglalayong turuan ang Muslim sa espiritwal, kababang-loob, at pagtitiis. Ito ang panahon para linisin ang kaluluwa at ituon ang pansin sa Diyos at isabuhay ang
pagiging mapagbigay.
Ang Pasko ay isang pang - relihiyosong
piyesta opisyal kung saan ipinagdiriwang
ng mga Kristiyano ang kapanganakan ni Jesucristo. Ito ay ipinagdiriwang sa Disyembre 25 ng bawat taon. Sa katunayan, ang salitang Pasko, tulad nito, ay nagmula sa Latin nativitas, nativatis na nangangahulugang 'kapanganakan'.
Ang Hari Raya Puasa ay salitang Malay para sa Eid'l Fitr o Eid, ang pagdiriwang at araw ng pasasalamat ng mga Muslim matapos ang 29 na araw ng Ramadan. Naganap ang unang Eid noong 642 AD nang manalo sa labanang Badr ang grupo ni Muhammad. Ipinagdiriwang nang tatlong araw ang Eid at ang unang araw nito ay ang unang araw sa buwan ng Shawwal. Ito ang araw na nagkakaroon ng layuning magkabuklod ang lahat ng Muslim sa mundo.
Ang Pista ay kainan, inuman, mga palabas, paligsahan, palaro at paseyo ng mga banda ng musiko. May nobena at rosaryo sa loob ng siyam na araw. Nagdarasal ang mga tao sa kanilang patron. Sa ika-siyam na araw ng kapistahan, nagpapasalamat sila sa nakaraang taon at humihingi ng isa pang mabuting taon, o ng masaganang ani. Ang bawat lugar ay may kani-kaniyang araw ng pista depende sa kanilang patron.
Ang Anibersaryo ay ang taunang paggunita sa araw ng pagkilala ng isang samahan bilang isang sekta o relihiyon. Ang bawat sekta sa Pilipinas ay may kani-kaniyang araw ng pagdiriwang ng anibersaryo. Tulad na lamang ng mga Iglesia ni Cristo na nagdiriwang ng kanilang anibersaryo tuwing Hulyo 27 ng bawat taon.