Panuto:Tunghayan ang dalawang larawan at sagutan ang mga tanong at gawain sa ibaba nito.
1.Ano ang maroon sa bawat isa upang makita ang babala?
TAO:_______
HAYOP:_______
2.Ano ang kakayahang taglay ng bawat isa upang maunawaan ang sinasabi ng babala?
TAO:______
HAYOP:_______
3.Ano ang kakayahang taglay ng bawat isa upang sundin ang sinasabi sa babala?
TAO:_______
HAYOP:_______
4.Ano ang inaasahang magiging tugon ng bawat isa sa babala?
TAO:______
HAYOP:_______
5.Saan binatay ang pagtugon ng bawat isa sa babala?Ipaliwanag.
TAO:_______
HAYOP:________
Batay sa iyong mga naging sagot sa gawaing ito,sagutin ang sumusunod:
1. Ano ang pagkakatulad ng hayop at tao?
2.Ano ang pagkakaiba ng hayop at tao?
3.Paano kumilos ang hayop?Ang tao?
4.Ano ang natuklasan mo tungkol sa hayop at sa tao batay sa pagsusuri ng mga larawan?
Share
Answer:
Ano ang mayroon sa bawat tao AT hayop upang makita ang babala?
Ang tao at hayop ay kapwa may kakayahang makita ang babala dahil sa biyolohikal na pagkaka likha sa kanila. Sila ay parehong may dalawang mata, bibig, ilong, at tenga. Ang mga ito ay tinatawag na sensory organs. Gayunpaman, may pagkakataon na kahit may mata ang parehong nilalang ay hindi pa rin ito makikita ng hayop.
Ano ang kakayahang taglay ng bawat tao AT hayop upang maunawaan ang sinasabi ng babala?
Ang pangunahing pagkakaiba ng hayop at tao ang ang pagkakaroon ng tao ng kakayahan na mag isip. Dahil dito, ang babala ay tiyak na mauunawaan ng tao. Ang ilan sa mga babala na mauunawaan ng tao ay:
Bawal magtapon ng basura
Tumawid sa tamang tawiran
Ano ang kakayahang taglay ng bawat tao AT hayop upang sundin ang sinasabi ng babala?
Ang tao ay may kilos loob samantalang ang hayop ay kumikilos ayon sa nararamdaman nito. Ang pagkilos na ito ng hayop ay isang halimbawa ng kanilang instincts.
Ano ang inaasahang magiging tugon ng bawat tao AT hayop sa babala?
Ang tao ay mayroong dalawang posibleng tugon:
Susundin ito
Hindi ito susundin
Ang hayop ay mayroong iisang tugon lamang at ito ay ang hindi kumilos. Hindi kikilos ang hayop bilang tugon sa babala dahil hindi naman nila ito nauunwaan.
Saan binatay ang pagtugon ng bawat tao AT hayop sa babala? Ipaliwanag.
Ibinatay ito sa isip at kilos loob. Dahil ang tao ay nilikha ng Poong Maykapal bilang superyor o nakahihigit sa lahat ng nilalang, ang tao ay may kakayahang unawain ang isang bagay sa pamamagitan ng pag iisip. Ang pagkilos base sa pag iisip na mayroon tayo ay tinatawag na kilos loob.
Explanation: