Papaano ba ninyo maiwasan o matanggap ang mga krisis na kinakaharap sa
panahon ng pagdadalaga at pagbibinata? Magbigay na mga pamamaraan upang
unti-unti ninyong matanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa iyong sarili
bilang nagdadalaga at nagbibinata.
Share
ang mga pagbabago pagdating ng pagdadalaga o pagbibinata ay normal lamang lalo na sa ating pangangatawan. subalit, marami pa rin ang mga kabataang nagugulat o naghihisterya pagdating sa mga ito. halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng regla. minsan ay umiiyak ang iba dahil dito, lalo na ang mga batang mas bababa pa sa edad na 11. para matanggap ito, laging isaisip na ito'y isang normal na pangyayari sa ating buhay lalo na pag tayo'y umabot sa pagdadalaga at pagbibinata. isaisip na ang mga pagbabagong ito ay magbibigay hudyat sa iyo upang makapaghanda sa mga bago at parating na mga pangyayari mula sa hinaharap.