Pasagot pls, nonsence=Report
Home
/
Pasagot pls, nonsence=Report
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
a. Oo, nararapat lang na sabihin ni Louise sakanilang ina ang ginawang pagsisinungaling ni Judy ngunit bago niya sabihin iyon sa kanilang ina nararapat lang din na pagsabihan niya muna ang kaniyang kapatid na mali ang kaniyang ginawa, sabihin sa kaniya ang kahalagahan ng pagsasabi ng totoo sa kanilang ina at ipagbigay-alam kay Judy ang plano ni Louise na sabihin ang katotohanan. At dapat bigyan ng pagkakataon si Judy na sabihin ang totoo sa kanilang ina at kung pinili niya na hindi niya sasabihin ito, patas lang na si Louise na ang magsabi sakanilang ina. Ang dahilan kung bakit kailangang sabihin kay Judy ang plano ni Louise ay sa kadahilanang pinagkatiwalaan ni Judy si Louise sa kaniyang sikreto pero dahil ang sikreto niya ay pagtatago ng mali, bilang nakakatandang kapatid, responsibilidad niyang gabayan ang kapatid kaya kailangan pa ring sabihin sakanilang ina.
b. Oo, ang katotohanang kapatid niya si Judy ay makakaapekto ng lubos sakaniyang pagpapasya dahil sa bond nila bilang magkapatid. Kung gaano kalaki ang magiging epekto ni Judy sa kaniyang pagpapasya ay nakasalalay sa status ni Judy kay Louise. Kung sobra silang close at pinahahalagahan ni Louise ang kanilang relasyon, mahihirapan siyang magpasya at malaki ang posibilidad na mag-iisip din siya ng paraan upang mabilis mapatawad ng ina ang kaniyang kapatid, at kung hindi naman sila close, malaki ang posibilidad na madali niya lang isumbong ang nagawa ni Judy at hindi siya gagawa ng paraan para mabawasan ang galit ng ina sa kapatid.
c. Oo, ang pagsasabi ng totoo ay may kinalaman sa pagiging mabuting anak. Ang pagsasabi ng totoo ay malaki ang ambag para mapatibay at mapalalim pa ang tiwala at pagmamahal ng bawat isa sa isang relasyon, pag-ibig man o sa loob ng isang pamilya.