PASAGOT PO NG NASA PICTURE PASAGOT PO NG MAAYOS
Panuto: Mula sa Venn Diagram na ito ay paghambingin ang Kilusang Propaganda at Kilusang Katipunan. Sa magkabilang bilog ay isulat ang kaibahan ng bawat isa samantalang sa gitnang bilog ay isulat naman pagkakatulad ng dalawa.
Share
Answer:
KILUSANG PROPAGANDA (pagkakaiba)
• Isang samahang itinatag ng mga Liberal na Pilipino upang matamo ang pagbabago sa mapayapang pamamaraan.
• Pangunahing adhikain ay isulong ang pantay na karapatan ng mga Pilipino at Kastila sa pamamagitan ng paghiling ng asimilasyon sa pamahalaang Kastila, hinihiling lamang ang pagbabago at hindi ganap na pagsasarili sa bansa.
• Binubuo ng mga ilustrado o mga Pilipinong nakapag-aral sa ibang bansa at Maynila, nagmumula sa mga mayayamang pamilya sa Pilipinas.
• Ginamit nila ang kanilang mga pluma upang maipahayag ang kanilang mga kahilingan sa pamahalaang Kastila.
• Nabigo na tuparin ang mga pangunahing layunin ngunit nagbigay inspirasyon sa dalawa pang kilusan na sumunod dito.
KILUSANG KATIPUNAN (pagkakaiba)
• Isang lihim na samahan na itinatag ni Andres Bonifacio upang itaguyod ang kaisipang makabayan at rebolusyonaryo sa mga Pilipino.
• Pangunahing adhikain ang sugpuin ang patuloy na pagmamalabis at di makataong pamumuno ng mga Espanyol sa Pilipinas tungo sa ganap na pagsasarili ng bansa.
• Binubuo ng masa.
• Ginamit nila ang dahas at madugong rebolusyon upang makamit ang tunay na kalayaan.
• Nagtagumpay na paalisin ang mga Kastila sa Pilipinas ngunit ito ay naging panandalian lamang dahil sa pagdating ng mga bagong mananakop - ang mga Amerikano.
KILUSANG PROPAGANDA at KATIPUNAN (pagkakatulad)
• Mga kilusan na parehong binubuo ng mga makabayang Pilipino para ipagtanggol ang bansa.
• Mga kilusang nagpapakita ng pagmanahal sa bansa at sa kapwa Pilipino.
SANA MAKATULONG PO ITO
KUA NAKNG KU IDEA