PASAGOT PO NG TAMA I BRAINLIES KO PO KAYO TNX
Para Kay Ina
Madaling-araw pa lamang ay gising na, Naghahanda ng baon at pagkain sa umaga. Di alintana pagod, puyat, at problema Basta't makauwi sa bahay at mayakap ka.
Anomang trabaho ay papasukin, Magkaroon lamang sa hapag ng pagkain. At kung si bunso ay magiging sakitin Perang itinabi'y tiyak na gagastusin.
Hiling niya'y mag-aral nang mabuti Upang kinabukasan nami'y bumuti Ito ang tunay niyang ipagmamalaki Mawawala ang pagod at pighati
Sa sariling pamilya ay dalhin sana Kagandahang-asal na itinuturo nila. 'wag kalimutang magdasal sa tuwina, Magpasalamat sa biyayang bigay niya.
At kung sa dapit-hapon ay bawian ng buhay, Itong isang inang laging nakaagapay. Ating alalahanin kahit nakaratay Alam ng Diyos, buong buhay nila ay inalay.
Share
Answer:
1.Ang magulang/ Ang mahal na ina
2. Dahil gusto niyang mayakap at makasama ito.
3.Marami silang sinasakripisyo, gumagawa ng ating makakin, nagtatrabaho upang may pangtustos sa pang araw araw.
4.Na tayo ay lumaking mabuting tao at makapagtapos ng pag aaral.
5.Oo, dahil walang magulang ang gustong maging pabaya sa anak at walang gugustuhin walang maitustos sakanilang mga anak.
6. Sumusunod ako sa mga utos at sinasabi nila ng sa ganun wala akong pagsisihan.
7.Tulad ng sinabi ko susundin ko ang kanilang mga utos dahil alam kong ito ay para lamang sa aking ikakabuti.
8.Malasakit at Pagmamahalan
9.May sari sarili tayong paraan kung paano maging ina ngunit para sa akin mas gugustuhin kong maging katlad ng nanay ko at gagyahin ito kung sakaling dumating ang tamang panahon.
10.Aalagaan sila tulad ng pag aalaga nila sa atin.
#Carry_On_Learning