pasagot po please salamat!!
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Palosebo
Ang palosebo, palo-sebo, palo sebo, o palocebo ay isang kinaugaliang laro ng mga Pilipino na karaniwang isinasagawa tuwing may kapistahang pambayan o anumang mahalagang okasyon, karaniwan na sa mga lalawigan. Kabilang sa tradisyonal na larong ito ang isang mahaba, kininis at nakatayong kawayan na nilagyan ng grasa. Kailangang akyatin ng mga nakikilahok sa laro upang abutin ang isang supot ng gantimpala, na karaniwang naglalaman ng salapi o mga laruan. Maaari ring isang banderitas o maliit na watawat ang aabutin bago magawaran ng tunay na premyo. Nilalaro ang akyatan ng kawayang may pampadulas na ito ng dalawa o higit pang bilang ng mga manlalaro. Karaniwang mga batang lalaki ang sumasali sa larong ito na ginagawa sa labas ng bahay. Diskwalipikado ang hindi makaabot sa pabuyang nakabitin sa dulo ng kawayan. Kailangang kalagin mula sa pagkakatali ang premyo bago pumadausdos pababa ang kalahok.