pasagot po please thank you
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
1.n
2.na
3.g
4.ng
5.na
Explanation:
pa brainliest
Pang angkop
Ito ay isa sa walong mga bahagi ng pananalita na mga katagang nagdudugtong sa magkakasunud-sunod na salita sa isang pangungusap para magiging magaan o madulas ang pagbigkas nito. Ito rin ang ginagamit para pag-ugnayin ang mga panuring at mga salitang binibigyan nito ng turing.
Mayroong tatlong pang-angkop: na, ng o -ng at g.
1. NA
Ito ay nagdudugtong ng dalawang salita na kung saan nagtatapos sa katinig ang nauunang salita maliban sa letrang n. Para sulatin ito, sapat ihiwalay ito sa salitang pinag-uugnay
Halimbawa:
Ang banal na kaulatan
Ang malinis na hangin
Ang matalim na espada
Ang maitim na dyaket
Ang sikat na artista
Ang kristal na baso
Ang makinis na mukha ni Loisa
Ang mahusay na manunulat
Ang matigas na bato
Ang matinik na cactus
2.1. NG
Ito naman ay isinulat na dinugtungan sa mga salitang nagtatapos sa patinig na mga letrang a, e, i, o, at u.
Halimbawa:
Ang masaganang halaman
Ang malaking mga ugat ng puno
Ang basang mga nilabadang damit
Ang kotseng pula
Ang berdeng sapatos
Ang dalawang mata
Ang mabagyong panahon
Ang maruming damit
Ang buong istorya ni Jonathan.
Ang salaring tulisan
2.2. -NG
Ito naman ay ginagamit para dugtungan ang magkakasunod na salita na kung saan nagtatapos sa katinig na n ngunit kinakaltas na ito kaya hindi ang pang-angkop na g ang ginagamit.
Halimbawa:
luntian ng halaman – luntiang halaman
usapan ng inutil – usapang inutil
malinis na kasuotan – kasuotang malinis
3. G
Ito naman ay ginagamit sa mga salitang nagtatapos sa katinig na n dinurogtungan
Halimbawa:
Kainang nasa kalye
Tulisang kriminal
Pikong mapang-api