pasagot po plz meron po kayong 50 puntos
Share
pasagot po plz meron po kayong 50 puntos
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang Pagsabog sa Beirut ng 2020, kilala rin sa Ingles bilang 2020 Beirut explosions, ay isang serye ng mga malalakas at mapaminsalang pagsabog sa daungan ng Beirut na naganap noong ika-4 ng Agosto 2020 bandang 6:08 ng hapon (oras sa Silangang Europa sa tag-init). Gumawa ito ng isang malaking ulap-kabute (mushroom cloud) at nag-iwan ng mahigit sa 192 patay, mahigit 6,500 mga sugatan, mahigit na 10-15 bilyong dolyar (491-736.15 trilyong piso) na napinsalang ari-arian, at tinatayang 300,000 mga taong nawalan ng tirahan. Sa nakalipas na anim na taon bago naganap ang pagsabog, itinabi nang walang pagtitiyak sa kaligtasan ang tinatayang 2,750 toneladang ammonium nitrate sa isang warehouse, matapos ito makumpiska ng mga awtoridad ng Lebanon sa inabandonang barkong MV Rhosus. Bago naganap ang naturang pagsabog, iniulat ang isang sunog rito. Iniimbestigahan pa rin ang tiyak na dahilan ng pagsabog nito.
Naramdaman ang naturang pagsabog sa kapitbahay na mga bansa ng Lebanon - Turkey, Siriya, Israel, at Palestina. Umabot rin ang dama ng pagsabog hanggang sa isla ng Cyprus, mahigit 250 kilometro mula Lebanon, at ilang bahagi ng Europa. Dahil sa lakas ng pagsabog, nakagawa ito isang maliit na lindol na rumehistro ng magnitude 3.3 ayon sa United States Geological Survey. Kinokonsidera rin ang naturang pagsabog bilang isa sa mga pinakamalalakas na pagsabog na hindi nukleyar sa kasaysayan.
Dineklara ng pamahalaan ng Lebanon ang dalawang linggong state of emergency bilang tugon sa nangyari. Ilang araw pagkatapos, lalo pang tumindi ang mga malawakang protesta sa Lebanon kontra sa pamahalaan simula pa noong 2019. Noong ika-10 ng Agosto 2020, bumaba sa puwesto ang Punong Ministro ng Lebanon na si Hassan Diab at ang buong gabinete niya dahil tindi ng presyur na nagawa ng nangyari.
Explanation:
Hope it helps you (ᵔᴥᵔ)
Answer:
ang naging pag sabog sa lebanon ay nakapinsa ng sobra sa ibat ibang tao at ibang tao at nasawi sa nang yaring pag sabog sa lebanon