pasagot po thank you po
TAMA o MALI. Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay nagsasaad ng katotohanan. Isulat ang TAMA
kung oo, at MALI naman kung hindi.
1. Ang Pilipinas ay isang arkipelago.
2. Binubuo ang ating bansa ng 8 931 na mga pulo.
3. Ang kapuluan ng Mindanao ang pinakamalaking pulo sa bansa.
4. 30,000,000 ektarya o 300,000 kilometro kwadrado ang kabuoang sukat ng Pilipinas.
5. Sa Konstitusyon ng 1935, naidagdag ang kapuluan ng Batanes sa teritoryo ng bansa.
6. Doktrinang Pangkapuluan ang ginamit upang maging batayan ang hangganan ng teritoryo ng Pilipinas.
7. Ang EEZ ay nangangahulugang Exclusive Establishments Zone.
8. Ang globo ay flat na representasyon ng mundo.
9. Grid ang tawag sa pinagtagpong mga latitud at longhitud.
10. Ang mga guhit na matatagpuan sa mapa at globo ay makikita rin sa totoong mundo.
11. Ang Guam ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Pilipinas.
12. Ang ekwador ay ang pahalang o pahigang linya na mayroong 0˚
13. Ginagamit ang absolute location upang matukoy ang eksaktong kinalalagyan ng isang lugar sa mapa o globo.
14. Ang latitud at longhitud ay ginagamit upang matukoy ang absolute location ng isang lugar.
15. Sa ilalim ng kasunduan ng Estados Unidos at Gran Britanya, ang Mangsee Island at turtle island ay napasama sa teritoryo ng Pilipinas.
Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
A. Teodoro Patiño B. Andres Bonifacio C. Jose Rizal D. Kilusang Propaganda E. Taiwan F. Karagatang Pasipiko G. Antonio Luna H. Celebes Sea I. 4 hanggang 23 hilagang latitude at 116 hanggang 127 Silangang Longhitud J. Kataas-taasan Kagalang galang na Katipunan ng mga anak ng Bayan
1. Anong anyong tubig ang matatagpuan sa silangang bahagi ng Pilipinas?
2. Anong bansa ang nasa hilaga ng Pilipinas?
3. Ano ang absolute location ng Pilipinas?
4. Ito ang grupong naghangad na mapalaya ang Pilipinas mula sa mga Espanyol sa mapayapang paraan.
5. Sinong propagandista ang gumamit ng pen name na Taga-ilog?
6. Propagandistang gumamit ng pen name na Dimasalang.
7. Ano ang kahulugan ng KKK?
8. Sino ang itinuturing na Supremo ng Katipunan?
9. Anyong tubig na nasa Timog na bahagi ng bansa.
10. Sino ang nagbunyag sa lihim na samahan ng Katipunan?
Piliin mula sa ibaba ng bawat bilang ang wastong sagot sa tanong. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot
1. Anong bagay ang sabay-sabay na pinunit ng mga Katipunero nang maganap ang Unang Sigaw sa Pugadlawin?
a. Kalatas b. Sedula c. Katibayan ng Kapanganakan
2. Kung ang pangkat ng Magdalo ang panig kay Emilio Aguinaldo, anong pangkat naman ang panig kay Andres Bonifacio?
a. Magdiwang b. Magiting c. Katipunan
3. Saang lugar ginanap ang Tejeros Convention?
a. Bulacan b. Cavite c. Bataan
4. Sino ang nanalong Pangulo sa ginanap na eleksyon sa Tejeros?
a. Andres Bonifacio b. Mariano Ponce c. Emilio Aguinaldo
5. Sino ang tumutol sa pagkakapanalo ni Andres Bonifacio bilang Direktor Panloob ng pamahalaang Rebolusyonaryo sa Tejeros?
a. Daniel Tirona b. Emilio Aguinaldo c. Sebastian Lakandula
6. Siya ang nag-utos na ipapatay si Andres Bonifacio.
a. Apolinario Mabini b. Elwell Ottis c. Emilio Aguinaldo
7. Saang lugar matatagpuan ang Biak na Bato?
a. Ilocos b. Pampanga c. Bulacan
8. Sino ang mestizong namagitan sa pwersa ng mga Espanyol at mga Pilipino upang mabuo ang Kasunduan sa Biak na Bato.
a. Pedro Paterno b. Teodro Patino c. Arthur McArthur
9. Ayon sa kasunduan, saang bansa ipapatapon ang pangkat ni Emilio Aguinaldo?
a. Japan b. South Korea c. Hongkong
10. Bakit hindi nagtagumpay ang kasunduan sa Biak na Bato?
a. Nanghingi si Aguinaldo ng karagdagang bayad mula sa mga Kastila
b. Hindi tumupad ang parehong panig sa kasunduan
c. Hindi pinalaya ng mga Espanyol ang mga nahuling rebolusyonaryo
Tukuyin kung sinong magiting na babae ang inilalarawan sa mga sumusunod na pahayag.
A. Melchora Aquino
B. Gregoria de Jesus
C. Teresa Magbanua
E. Trinidad Perez Tecson
F. Marina Dizon Santiago
1. Siya ang kauna-unahang babae na namuno sa rebolusyon sa Panay at tinaguriang “Joan of Arc"
2. Kinikilala siya bilang “Lakambini ng Katipunan” na naging tagapag-ingat sa mahahalagang dokumento ng samahan.
3. Ginamit niya ang kaniyang husay sa pag-awit,pagtula at pag-arte upang linlangin ang mga kalaban ng mga katipunero.
4. Nakilala siya bilang “Ina ng Biak-na-Bato”.
5. Kinalinga niya ang mga sugatang Katipunero mula sa rebolusyon. Kilala siya sa taguring “Tandang Sora"
Share
Answer:
1. tama
2.tama
3.mali
4. tama
5. tama
Explanation:
STAY HOME PO ❤