patulong po kailangan ko na po ngaun... salamat po
Share
patulong po kailangan ko na po ngaun... salamat po
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Verified answer
Answer:
Jose Rizal -
Hindi tulad ng mga ibang bayani natin na nakipag away para sa ating kalayaan, si Jose Rizal ay gumamit ng ibang paraan, gumamit lamang siya ng kanyang pag-iisip, sulat at ang kanyang mga salita para ipakita sa mga Pilipino na tumayo para sa kanilang sarili at lumaban sa mga kastila.
Binuksan niya ang kamalayan ng mga Pilipino para lumaban para sa kalayaan ng bansa.
Andres Bonifacio - Si Gat Andres Bonifacio y de Castro ay nabuhay mula noong 20 Nobyembre 1863 hanggang 10 Mayo 1897. Ipinanganak sya sa Tondo, Lungsod ng Maynila. Itinuturing syang isang bayani, Pilipinong makabayan at rebolusyonaryo. Siya ang binansagang “Ama ng Katipunan” na kung saan siya ay isa sa mga nagtatag. Isa siya sa mga unang nagkaroon ng malinaw na pananaw sa kung ano ang siyang nararapat na Pilipinong bansa.
Antonio Luna - Pinangunahan ni Heneral Luna ang tatlong kumpanya ng mga sundalo upang salakayin ang mga Amerikano sa La Loma, kung saan nakilala siya ng isang ground force at naval artillery fire mula sa fleet sa Manila Bay. Malubhang nasawi ang mga Pilipino. Noong 1893, nagsulat siya at naglathala ng isang siyentipikong pag-aaral sa malaria na pinamagatang On Malarial Pathology.
Marcelo Del Pilar - 1. Itinatag niya ang dyaryong tagalog noong Hulyo 1, 1882 na bumabatikos sa pang-aabuso ng mga prayle at kalupitan ng pamahalaan.
2. Kinumbinsi niya ang mga cabeza de barangay (kapitan ng barangay) ng Malolos na tutulan ang kautusan ng pamahalaan na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga prayle na baguhin ang talaan ng mga nagbabayad ng buwis.
3. Dahil sa pagkumbinsi ni Del Pilar ay isinumbong ni Manuel Crisostomo, ang gobernadorcillo ng Malolos, ang dalawang prayleng lumabag sa batas kontra sa paglantad ng mga patay sa loob ng simbahan noong 1887.
4. Isinulat ni Del Pilar ang isang manipestong pinamagatang Viva España! Viva el Rey! Viva el Ejercito! Fuera los Frailes! na ang ibig sabihin ay (Mabuhay ang Espanya! Mabuhay ang Hari! Mabuhay ang mga Hukbo! Palayasin ang mga Prayle!).
8. Naglathala siya ng mga liberal at progresibong artikulo na nagbunyag sa kalagayan ng Pilipinas.
Graciano Lopez Jaena - Si Graciano López Jaena (18 Disyembre 1856 – 20 Enero 1896) ay isang Pilipinong manunulat, rebolusyonaryo, at pambansang bayani mula sa lalawigan ng Iloilo, na nakilala sa kanyang pahayagang, "La Solidaridad". Nakilala rin siya sa kaniyang akdang Fray Butod. ‘Butod’ ang salitang Hiligaynon para sa “kabag” at katumbas din ito ng balbal na “tabatsoy”.
Emilio Aguinaldo -Sumama sa samahang Masonry (kabilang ni Jose Rizal, Apolinario Mabini, Juan Luna, Marcelo del Pilar at Graciano Lopez Jaena) upang mapabuti ang kalagayan ng bayan
-Pinuno ng pangkat Magdalo ng Katipunan sa Cavite
-Pumayag sa kasunduan sa Biak-na-Bato na nilagdaan niya noong Disyembre 14,1897 dahil sa paniniwalang hindi na magtatagumpay ang digmaan
-Pumayag sa kusang loob na pagpapatapon sa kanya sa Hongkong kapalit ang bayad-pinsalang naghahalagang P400,000 na ginamit niya sa pagbili ng mga armas na inilaan pagbalik niya sa bansa
-Nagdisenyo sa bandila ng Pilipinas na siyang iwinagayway sa Kawit, Cavite noong Hulyo 12, 1898
-Pangulo ng Pamahalaang Reblousyonaryo makaraang buuin ang Kongreso sa Malolos at ratipikahin ang kasarinlan at konstitusyon nito noong Enero 21, 1899
-Nadakip ni Heneral Frederick Funston kasama ang kanyang mga tauhan sa Palanan, Isabela noong Marso 23,1901
-Nagretiro sa pagiging pangkaraniwang mamamayan makaraang itatag ang pamahalaang kolonyal ng Estados Unidos
-Nagtatag ng Asociacion de los Veteranos de la Revolucion, isang samahan ng mga lumalaban sa mga Kastila at mga Amerikano upang magkamit ng benepisyo
Miguel Malvar - Si Miguel Malvar y Carpio (Setyembre 27, 1865 - Oktubre 13, 1911) ay isang Pilipinong heneral na naglingkod noong Himagsikang ng Pilipinas at kalaunan sa kasagsagan ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Ginampanan niya ang pamamahala ng panghimagsikang hukbong katihan ng Pilipinas noong huling bahagi ng sigalot pagkatapos sumuko si Emilio Aguinaldo sa mga Amerikano noong 1901. Ayon sa ilang mga mananalaysay, maaari siyang itala bilang isa mga pangulo ng Pilipinas subalit kasalukuyang hindi kinikilala ng pamahalaan ng Pilipinas.
Gabriela Silang - Si Maria Josefa Gabriela Cariño Silang o mas kilala sa tawag na ‘Gabriela Silang’ ay isang Pilipinong lider ng rebolusyon ng mga Ilokano laban sa mga Espanyol. Siya ang tinaguriang kauna-unahang babaeng lider ng isang rebolusyon sa Pilipinas.
Apolinario Mabini - Si Apolinario Mabini ay isa sa mga naging bayani ng Pilipinas. Siya ay kinikilala sa kanyang mga naging kontribusyon at ambag upang makamit ang kasarinlan ng bansa
Melchora Aquino - Isa siya sa mga kababaihan na malaki ang nagawa para sa pakikipaglaban nating mga Pilipino sa mga Kastila. Kung saan, ang kaniyang tindahan ay nagsilbing silong at takbuhan ng mga sugatan at gutom na mga lumalabang Katipunero sa digmaan. At ang isa pa niyang ginagawa ay pag-aaalaga at pagkupkop sa mga bahagi ng rebolusyon